Saturday , November 16 2024
IPINAKITA ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pedicab drivers ng Balut PODA Rodriguez Line ang mga bagong yunit na maaaring gamitin sa ilalim ng “new normal situation” sa panahon ng pandemyang COVID-19. (BONG SON)

‘Taxi-cles at pedi-grabs’ ipapalit sa lumang pedicabs sa Maynila

MAIIBSAN na ang pagod at hirap ng mga kababayan natin na matagal nang kumakayod sa pedicab dahil mapapalitan ito ng mga “taxi-cle o pedi-grab” na layong maitaas ang dignidad ng mga padyak boys sa lungsod ng Maynila.

Nabatid sa dating pedicab driver ng Tondo, na si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ilulunsad niya ang bagong tri-wheel motorized vehicle na tinawag niyang   ‘taxi-cle’ o ‘pedi-grab’ na ang down payment ay piso lang, at hihingin sa pedicab driver.

Base sa ilang pulong sa pedicab operators and drivers’ association (PODA), sinabi ni Mayor Isko, maraming de padyak na driver ang nagpahayag ng kanilang interes na magkaroon ng  public utility tri-wheel.

Ani Mayor Isko, may isang pribadong kompanya ang naglaan ng 2000 units na gagawing “Corona edition” para sa lokal na pamahalaan na iaalok sa pedicab drivers sa lungsod.

Sinabi ni Isko, sa kasalukuyang regulasyon isang pasahero ang pinapayagang sumakay sa isang pedicab ngunit sa makabagong motorized vehicle ay papayagan silang magsakay ng dalawa hanggang tatlo dahil Ito ay may partition para sa social distancing requirement.

“Para matapos ang panahon na padyak nang padyak araw-araw. Mas ligtas ito, may insurance pa na five years, kaya walang kaba ‘yung pasahero anoman ang mangyari o kung nasira ‘yung sidecar,” ayon kay Moreno, na minsan ay naging sidecar boy noong kanyang kabataan.

“Nasa kanila kung tingin nila e tataaas ang antas ng kanilang hanapbuhay o kung gusto nilang ganoon na lamang sila. Ako kasi bilang dating sidecar boy, kung ako ay mabibigyan ng gobyerno ng ganyang pagkakataon, bakit hindi? Basta ako, hindi ko i-introduce kung malalagay kayo sa alanganin,” dagdag ni Moreno.

Tulad ng mga dating pedicab na hulog-boundary, ang makabagong motorized vehicle ay huhulugan ng P188 kada araw ngunit ang ikinaganda nito ay P1 lamang ang down payment.

Sinabi ni Moreno, sa sandaling kumuha sila ng unit, bibilhin ng lokal na pamahalaan ang kanilang pedi cabs sa parehas na presyo at sisirain na mismo sa kanilang harapan.

Kada unit ay mayroong built-in acrylic dividers na maghihiwalay sa mga pasahero na hindi lamang proteksiyon sa COVID-19 kundi maging sa init ng araw at ulan dahil mayroon itong bubungan.

Pinag-aaralan ang posibilidad na i-partner sa TNVS ang mga pedicab drivers. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *