NAKAW-EKSENA ang Kapuso broadcast journalist na si Joseph Morong sa Twitter bago umere ang public announcement ni President Digong Duterte last Monday night, June 15.
Sa tweet pic na ipinost ni Joseph habang waiting sa pahayag ng Pangulo, napukaw ang pansin ng netizens sa screen ng laptop niya na tila nanonood sa isang gayporn site, huh!
Eh dahil sa insidente, trending sa Twitter ang name ni Joseph hanggang isinusulat namin ito. Mayroon itong 7,782 tweets.
Humngi naman ng sorry si Morong sa nakapansin ng screen shot sa laptop niya.
“Hahaha! Sorry about that guys hahaha you’ll never know what’ll show on your timeline LOL,” tweet ni Joseph.
Dagdag niya, “So embarrassing. Bawasan ko na kaya ang pina-follow ko Hahaha ung malilinis st busilak na lang hahaha joke lang but sorry about that.
“Hahaha guys sensya na talaga ah? Hahaha focus na tayo in a few minutes hahaha. Good night guys! Hahaha SMH (shaking y ehad) haha!”
Humanga naman ang mga bading sa pagharap niya sa nangyari na kineri ang sexual orientation ng GMA news reporter.
I-FLEX
ni Jun Nardo