Monday , December 23 2024

OFW na nakulong sa Bahrain labis na nagpasalamat (Iniligtas sa bitay, pamilya tinulungan)

LABIS ang pasasalamat ng isang overseas Filipino worker na nakulong ng apat na taon sa Bahrain kina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Christopher “Bong” Go.

Ito ay matapos makalaya at makauwi sa bansa ang OFW na kinilalang si Roderick Aguinaldo.

 

Sinabi ni Aguinaldo, hindi siya magsasawang magpasalamat kay Pangulong Duterte lalo kay Senator Go dahil kung ano ang ipinangako ay kanilang ginagawa talaga.

 

Si Aguinaldo ay dumating sa bansa nitong 7 Hunyo at agad isinailalim sa COVID-19 swab testing at protocol quarantine ng mga nagbabalik sa bansa bago tuluyang  makauwi sa kanilang pamilya.

 

Sinabi ni Aguinaldo, na dahil sa sobrang katuwaan, gusto niyang personal na magpasalamat kina Pangulong  Duterte at Senator Go sabay ‘wish’ na sana’y madagdagan ang mga katulad nilang opisyal ng  gobyerno.

 

Labis din ang pasasalamat ng asawa ni  Roderick na si Imelda Aguinaldo kina Pangulong Duterte at Senator Go dahil sa pagtulong sa kanyang asawa para makalaya at makauwi na sa bansa.

 

Ikinuwento ni Imelda kung paano siyang  natulungan ni Senator Go noong panahon na hindi niya alam ang gagawin dahil sa nangyari sa kanyang asawa at tinulungan din siyang makakuha ng trabaho ng senador sa Metro Manila para matustusan ang kanyang mga anak.

 

Dagdag ni Imelda, pinasundo pa sila ni Senator Go sa Bicol at inilipat ng eskuwelahan ang mga anak sa Metro Manila at binigyan ng allowance ng senador.

 

Si Aguinaldo ay nahatulan ng parusang kamatayan sa Bahrain dahil sa pagpatay sa isang  foreign national pero dahil sa pagtulong  ni Go at pakikipag-ugnayan sa gobyerno ng Bahrain ay naisalba ang buhay ng isa nating kababayan.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Go, ang kuwento ng buhay ni Aguinaldo ay isa sa mga patunay na kailangan ng isang Departamento na tututok sa mga OFW at sa kanilang pamilya tulad ng isinulong niyang Senate Bill 202 o ang pagbuo ng Department of Overseas Filipino Workers.

(CYNTHIA MARTIN)

 

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *