PORKE nagpahayag si KC Concepcion sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga sa weekend online talk show ng multimedia star na “I Feel You” na magkaibigan pa rin sila ni Piolo Pascual at hanggang ngayon ay nagke-care pa rin siya sa actor, hayun may ilang nag-iilusyon tuloy sa balikan ng dalawa.
Well, ang masasabi lang namin ay hanggang pantasya na lang ang fans dahil hindi na mangyayari pa ang reconciliation between KC and Piolo. Hindi na rin natin dapat na i-elaborate pa kung bakit hindi na pwedeng magkabalikan ang dalawa dahil matagal ng alam ng publiko ang malalim na rason kung bakit nakipaghiwalay noon si KC kay PJ (Piolo) at nanggaling mismo ito sa bibig ng mega daughter sa exclusive interview sa kanya ng The Buzz na bahagi ang singer-actress.
Ang hiwalayan nila ni Piolo, ang rason kung bakit nagdesisyon noon na lumipat sa TV 5 si Sharon Cuneta. Saka may nagpapasaya naman daw sa puso ni KC, na ini-reveal niya sa show ni Toni.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma