Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dovie San Andres, balak ipa-Tulfo ang hustler at user na former boyfriend

Nabasa namin ang latest post ni Dovie San Andres sa kanyang Facebook na desidido na siyang ireklamo kay Raffy Tulfo ang former boyfriend indie actor-model na matapos siyang gamit-gamitin ay basta-basta na lang hiniwalayan o itinapon na parang basura.

 

Ayon kay Dovie, malaking halaga ang nakuha sa kanya ng ex niya na ginamit ang kanyang kahinaan at siya ay sinamantala.

 

Kabilang sa nabili ng said indie actor na galing kay Dovie ay second hand car, na kanyang naibenta na. Walang consent si Dovie na ipagbili ang kotse dahil ang usapan nila kapag nagbakasyon ang controversial social media personality sa bansa ay iyon ang gagamitin nilang service at ipagda-drive siya ng lalaki sa mga bibisitahing lugar.

Malinaw raw ang usapan nila ni indie actor. Pero may mga gabing hindi nakatutulog si Dovie dahil sa stress niya sa dating nobyo at ang hindi niya matanggap ay balitang nakarating sa kanya na ipinagpalit na siya nito sa ibang babae.

 

At feeling ni Dovie, ay betrayed siya kaya once na makauwi siya ng bansa ay pupunta siya agad kay Raffy Tulfo para panagutin si indie actor sa mga atraso sa kanya. Malakas daw ang laban niya at hawak niya ang lahat ng ebidensiya kabilang na ang mga transaction receipt ng mga perang ipinadala niya rito sa Western Union since 2019.

 

Ayon kay Dovie, pareho nilang idolo ng kanyang father sa Canada si Mr. Tulfo. Pinanonood nila ang programa nitong “Raffy Tulfo In Action” araw-araw sa Canada at humahanga sila sa malaking puso nito na maraming kababayan ang natutulungan.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …