Saturday , November 16 2024

Espinosa sa DOJ-WPP puwedeng tanggalin (P5.5 bilyong operasyon ng ilegal na droga lumarga)

MAAARING tanggalin sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice si self-confessed drug lord Roland “Kerwin” Espinosa kapag napatunayang sangkot pa rin siya sa operasyon ng ilegal na droga kahit nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).

 

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng pag-amin na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang report na namamayagpag pa rin umano si Kerwin sa illegal drugs trade.

 

Kamakailan, ibinunyag ni Lt. Col. Jovie Espenido na aktibo umano ang operasyon ng grupo ni Kerwin sa Pampanga, Bulacan, Cavite, Pasay City, at Taguig City.

 

Inihalimbawa ni Espenido bilang bahagi ng operasyon ng grupo ni Kerwin ang nakompiskang 12 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P81 milyon sa Taguig City noong 22 Mayo, nasakoteng 756 kilo ng shabu sa halagang P5.14 bilyon sa Marilao, Bulacan noong 4 Hunyo, at nasabat na 36 kilo ng shabu sa halagang P244 milyon sa Parañaque City noong 6 Hunyo.

 

Ilang tauhan umano ni Kerwin ang napaslang sa mga nasabing police operation.

 

Ayon kay Roque, “Mayroon pong imbestigasyon na nangyayari kay Kerwin. Hindi lang pupuwedeng i-discuss. Ongoing investigation po kasi,” sabi ni Roque sa virtual press briefing.

 

May impormasyon din na umano’y nagsisilbing ‘mayores’ sa NBI Detention Facility si Kerwin at binabayaran umano ng P20,000 ng bawat detainee bilang protection money sa loob ng pasilidad.

 

Noong 2017 ay tinanggap si Kerwin sa WPP matapos ikanta na sangkot sa ilegal na droga si Sen. Leila de Lima at nag-ambag siya ng malaking halaga sa senatorial bid nito noong May 2016 elections.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *