Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Silab movie ni Direk Reyno Oposa ilalaban sa international film festival

Pare-parehong excited si Direk Reyno Oposa at kanyang associate directors na sina Buboy Pioquinto at Direk Jessamine Rhae Maranan sa kanilang independent film offering na “SILAB” na pinagbibidahan ng mga baguhang actors na sina JV Cain at sexy actress na si Mia Aquino na naturingang newcomers pero parehong mahuhusay umarte.

Masyadong maselan ang tema ng movie na “incest” na sa hindi sinadyang pagkakataon o sitwasyon ay nagkatikiman ang mag-amang Ramil (JV) at Sir Lucio na ginagampanan ng stage actor na si Bobby Tamayo. Excited si Direk Reyno at co-directors at buong production dahil nakatakdang ilaban sa isang international film festival sa Canada ang Silab.

Napanood namin ang pelikula at para sa amin ay malaki ang chance nito na maisama hindi lang sa Toronto Film Festival kundi sa malalaking festival sa iba’t ibang bansa. Napapanahon kasi ang istorya ng Silab at nangyayari talaga ito sa totoong buhay.

Parte rin ng cast sina Lance Valderama, Nina Barri, PETA actress Celia Castillo, at Urduja Best Actress Elizabeth Luntayao.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …