Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai pinalagan, pagta-tax sa mga online seller

PINALAGAN ni Ai Ai de las Alas ang naglabasang reports na bubuwisan ang dumaming on-line sellers nitong panahon ng pandemic.

Ang pagbebenta ng ube-cheese pandesal at ibang tinapay ang pinagkakaabalahan ni Ai Ai nitong quarantine dahil nawalan din siya ng trabaho at natigil ang kita ng kanyang resto business.

Bahagi ng banat ng Comedy Queen sa Instagram account, ”Para po sa aming maliliit na online seller sa panahon ng COVID, ginagawa namin to kasama ang mga iba nating kababayan na wala naman ayuda at walang trabaho tu survive sa pang araw araw na buhay…

“Wag nyo sanang isipan na i tax…Salamat po.”

Pinasalamatan din niya si Marvin Agustin na isa sa tumangkilik sa kanyang Martina’s Pastries.

“Thank you baby boy sa help na i-boost ang morale ng maliliit na business kagaya ng sa amin at sa iba pang maliit na negosyong on line ngayong panahn na ito. Labya bebe @marvinagustin.”

Kalakip ng pahayag ni Ai Ai ang pahayag ni Senator Joel Villanueva na kontrang buwisan ang online sellers ngayon.

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …