Saturday , November 16 2024

Ultimatum ng IATF StaySafe ph database isuko sa DOH

BINIGYAN ng 30-araw na ultimatum ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang contact tracing app developer MultiSys Technologies Corp., para isuko ang lahat ng nakalap na datos ng Staysafe.ph sa Department of Health (DOH)

Nakasaad ito sa IATF Resolution No. 45 na inilabas ng Malacañang kahapon.

Ang contact tracing app ay gagamitin sa paghahanap ng mga taong nakasalamuha ng mga nagpositibo sa coronavirus disease ( COVID-19)

Ang MultiSys ang developer ng StaySafe.ph, isang health monitoring app na idineklara ng IATF bilang official contact tracing app kaugnay sa kampanya ng gobyerno laban sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kapag nabigo ang Multisys na isuko ang database ng Staysafe.ph sa DOH ay babawiin ang endorsement ng IATF bilang official contact tracing app.

“Lahat ng data na kasalukuyang nasa database ng StaySafe.ph ay dapat ilipat sa COVID-KAYA. Binigyan ang Multisys ng tatlumpung araw mula sa petsa ng resolusyon na ito na sumunod sa mga nasabing direktiba, kung hindi, ang endorsement ng IATF na ang StaySafe.ph ay official contact tracing application ng gobyerno ay babawiin at dapat ilipat ng Multisys ang nakolekta at nakaimbak na datos sa StaySafe.ph sa DICT,” ani Roque sa virtual press briefing kahapon.

Nagkaroon aniya ng memorandum of agreement (MOA) ang Multisys at Department of Health (DOH) tungkol sa donation at paggamit ng StaySafe.ph application; kasama nito ang source code, lahat ng data, data ownership at intellectual property.

“Ibig sabihin po, lahat po ng mga inirereklamo ng mga kritiko ng StaySafe.ph, lahat po iyan ay binigyan ng atensiyon ng IATF at ang gobyerno po ang magmamay-ari ng data. Ang function ng StaySafe.ph application ay dapat limitado sa collection ng data habang ang lahat ng collected data ay dapat i-store sa DOH COVID-KAYA system,” ani Roque.

Ibinunyag kamakailan ni dating Department of Information and Communication Technology (DICT) Eliseo Rio, Jr., na hindi ligtas ang StaySafe.ph sa contact tracing dahil mahina ang privacy protocols, at abilidad sa contact tracing, ang mahahalagang salik para makontrol ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Ang Multisys Technologies Corp., ay isang kompanyang “partly owned” ng telco giant PLDT Inc., ni Manuel V. Pangilinan, isa sa mga binansagang oligarch ni Pangulong Duterte.

Matatandaan sa virtual press briefing kamakailan sa Palasyo, inihayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na walang dapat gastosin ang gobyerno sa contact tracing dahil libre ang teknolohiya mula sa Philippine National Police (PNP). (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *