Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rosanna Roces, maraming magandang alaala sa beteranang aktres na si Anita Linda

PARA kay Rosanna Roces, isa siya sa mapalad na artista na nakasama sa maraming proyekto ang icon ng movie industry na si Anita Linda na namayapa nitong June 10 sa kanilang tahanan sa Parañaque City.

Ayon kay Osang, mas tumaas ang kanyang respeto at paghanga kay Tita Alice (tawag ng actress kay Tita Anita) nang una silang magsama sa pinagbidahan na 2010 Indie drama film na Presa.

Inilahok ang Presa sa MMFF na ang character ni Tita Anita ay dating artista na nasangkot sa pagbebenta ng droga at nakulong. Samantala, si Osang naman ang kanyang protektor sa Bilibid.

Kuwento ni Rosanna, bukod sa napakapropesyonal na arista ay kayang-kaya pang magmemorya ng linya ng oldest working actress (Tita Anita) bukod pa sa mahusay makisama at laging nakangiti sa casts at director ng movie na si Adolf Alix, Jr., kapwa naging close in real life kina Osang at Tita Anita.

Yes, ninong sa kasal nina Osang at partner na si Blessy Arias si Direk Adolf.

Bukod sa maraming nakamit na awards kabilang ang Best Picture ng Presa, silang dalawa ni Ms. Linda (Best Actress) at Best Supporting Actress (Osang)

ang nagkamit ng major awards sa Urian Awards.

Nasundan ang pagsasama ng dalawa sa mga pelikulang Isda (Fable of the Fish) na idinirek din ni Adolf, tungkol sa babaeng nanganak ng isda, na

ginampanan ni Cherry Pie Picache.

Sa movie, kinombinsi ng namayapang veteran actress si Osang na mag-produce ng pelikula na agad naman daw niyang sinunod.

Yes, si Osang ang producer ng advocacy film noong 2013 na “Guro” under her Stral Production gamit ang totoong name na Jennifer Cruz Adriano. Bigatin at de-kalibre ang kanyang mga artista rito tulad nina Tita Anita, Daria Ramirez, Marita Zobel, Bembol Roco, Ina Feleo, at Tessie Tomas.

Siya si Teacher Aning sa pelikula na bukod sa pagiging guro ay mapagmahal at may malasakit sa kanyang mga estudyante.

Naipalabas ang Guro sa eskuwelahan pero sa mga sinehan ay hindi pa. Si Neal Tan na kaibigan rin

Osang ang director ng pinagbidahan at produced na movie.

Nakasama ni Rosanna si Tita Anita sa mga pelikulang Padre de Familia na pinagbidahan nina Nora Aunor at Coco Martin; Manila, Mater Dolorosa, Madilim ang Gabi, at Circa na huling movie ng beteranang aktres.

Buong pusong nakikiramay si Osang, sa naiwang pamilya ni Tita Anita Linda na Alice Buenaflor Lake in real life.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …