VERY UNFAIR nga naman sa ating senior stars na gaya ni Nora Aunor kapag hindi sila binigyan ng konsiderasyon ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Dino ang mga tulad nila na makabalik sa mga naiwan nilang proyekto sa kani-kanilang mother network.
Like Ate Guy na napaka-importante ng ginagampanang role sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit, na tiyak na lalaylay ang istorya kapag sapilitang pinatay ang character sa panghapong serye.
We heard, na pinayagan na raw si Ate Guy na
Mag-taping uli and in fairness to Chair Liza, ay hindi natin sila masisi sa FDCP kung naglabas sila ng ganitong guidelines dahil pinahahalagaan lang nila at concern sila sa kalusugan ng ating veteran stars lalo’t wala pang vaccine laban sa COVID-19 na patuloy sa paglobo ng
bilang. Si Nora naman kahit 67 anyos na ang edad ay kayang-kaya pang magtrabaho at sumabak sa mga
eksenang ipinagagawa ng kanilang director sa Bilangin Ang Bituin na si Laurice Guillen.
Samantala ating aalamin kung maging si Manay Celia Rodriguez na malapit sa inyong columnist ay papayagan na rin mag-taping sakaling mag-resume na ang kanilang teleseryeng Anak Ni Waray, Anak Ni Biday.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma