Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eat Bulaga balik live sa APT Studios, tuloy sa pamamahagi ng papremyo (Coronavirus hinamak)

Last Monday, balik APT Studios na ang ilan sa paboritong Dabarkads tulad ng JOWAPAO na

sina Jose, Wally, at Paolo, ang phenomenal loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza habang live via Zoom sa kanilang tahanan ang mag-asawang Bossing Vic Sotto at Pauline Luna gayondin si Joey de Leon.

 

Bukod sa naitatawid ng ating EB Dabarkads ang show na kahit wala munang studio audience ay patuloy na napasasaya at napatatawa ang home viewers, hindi rin naging hadlang ang COVID-19 sa pamamahagi ng papremyo ng Eat Bulaga sa Juan For All, All For Juan na sangkatutak pa rin ang prizes.

 

At ang masuwerteng Team Bahay winner noong Martes ay si Christian John Reyes ng Negros Oriental at ang prizes na tinanggap ay mula sa Hanabishi Appliances, Palmolive, Efficascent Oil, Mang Inasal at CDO Funtastyk Tocino.

 

Winner din ng bonus cash na P35K nang pillin si Wally ni Christian. Napaluha sa sobrang saya ang naturang winner. Puwede rin manalo ng P5K sa isa pang pakontes ng EB sa Team Bahay at 4 winners ang pipiliin daily.

 

Ngayong ‘new normal’ may bago rin sa Bawal Judgemental, na imbitado nila ang ilan sa kanilang mga nai-feature na sa patok na segment nilang ito. Pinasalamatan nga pala ni Bossing Vic Sotto, ang home viewers at lahat ng kanilang advertisers na hindi raw sila iniwan sa 85 days na enhanced community quarantine (ECQ) o lockdown sanhi ng pandemya.

 

PERSONAL

 

Maligayang Kaarawan sa aming mabait at generous na kaibigang publisher na si Sir Jerry Yap ng JSY Publishing na mula noon hanggang ngayon ay hindi kailanman pinagbago ng panahon sa kanyang pagiging kind-hearted hindi lang sa kanyang employees kundi sa maraming tao. Hangad ko ang mahaba mo pang buhay at lalo pang tagumpay sa iyong mga negosyo. We Love you, at nag-iisa ka para sa amin Sir Jerry.

Maraming-maraming salamat sa pagmamahal mo at suporta!

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …