TRULILI kaya na tatapusin na ni Coco Martin ang FPJ’s Ang Probinsyano?
Nagkukuwentuhan kami ng kilalang direktor at napag-usapan namin ang mga teleseryeng muling eere sa Kapamilya Channel simula ngayong Enero 15 at ang mga programang hindi na makakabalik at tinapos na lang ng ganoon.
“Oo, daming naapektuhan talaga sa pandemic, si ‘Probinsyano,’ tatapusin na ‘yan, kailangan lang graceful exit,” kaswal na banggit sa amin.
Nabanggit ding, “malakas kasi si Cardo Dalisay, marami siyang sponsors, kailangan tapusin lahat ang commitment. At saka moneymaker talaga ‘yung show ni Coco.”
Hirit namin na ibig sabihin ang mga programang hindi na nakabalik sa ere ay mahihinang kumita at sa ratings?
“Puwedeng oo, puwedeng hindi, may kanya-kanyang dahilan. Ano bang show ang tukoy mo?” balik-tanong sa amin.
Binanggit namin ang Pamilya Ko, Maalaala Mo Kaya (MMK), Ipaglaban Mo, at Make it with You.
“’Yung dalawa sa nabanggit mo, weekend shows naman ‘yun tapos 3 times a week pa taping, eh, ‘di ba nagtitipid nga ABS-CBN?
“Alam ko malakas ang ‘Make it with You,’ eh, baka may problema sa artists? ‘Yung ‘Pamilya Ko,’ wala ako idea bakit hindi na ibinalik,” pahayag ng aming kausap na direktor.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan