Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pekeng socmed accounts ikinabahala ng Palasyo

NAKABABAHALA ang paglobo ng bilang ng pekeng Facebook accounts nitong mga nakaraang araw kaya tiniyak ng Palasyo na iniimbestigahan ang insidente ng mga awtoridad.

 

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar , dapat maging mapagbantay ang publiko laban sa mga pekeng FB accounts.

 

“The recent spate of fake Facebook accounts is alarming and disturbing especially since these fake accounts have, without any regard, used the names of a multitude of people,” ani Andanar sa kalatas na ipinadala sa media.

 

Nagdudulot aniya ito nang pagkalito at hindi pagkakaunawaan sa publiko at paglabag sa security at privacy ng mga ginamit ang pangalan sa pekeng accounts.

 

Giit niya, ang National Bureau of Investigation, Philippine National Police-Cybercrime Division ay inatasan na busisiin ang paglaganap ng fake Facebook accounts .

 

Nagsagawa na rin aniya ng koordinasyon ang National Privacy Commission sa Facebook upang mag-imbestiga at magbahagi ng kanilang natuklasan sa ahensiya.

 

“We ask the public to do their part and be conscientious and vigilant. Please report fake accounts and do not fall prey to unsubstantiated posts from unverified accounts,” wika ni Andanar. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …