MAY lumutang na tsikang inayawan ni Julia Montes ang teleseryeng Burado dahil sa bagong regulasyon ngayong New Normal na lock-in na lahat ang artista at mga staf and crew sa tapings/shootings.
Ang nakuha naming kuwento ay sa out of town ang tapings ng Burado bagay na inayawan ni Julia at recently, si Ina Raymundo ay umayaw na rin.
Nagtanong kami sa Cornerstone Entertainment, ang management company ni Julia at ang sagot sa amin, “ABS informed us that there’s a change of cast for ‘Burado.’ We said okay na since we trust Dreamscape with their decisions.”
Kung sakaling wala na si Julia sa serye, tiyak na maraming malulungkot na fans dahil ito ‘yung inaabangan nilang pagbabalik ng aktres bukod sa 24/7 na weekly napapanood.
Kaso hindi rin kasama ang 24/7 sa mga programang muling mapapanood ngayong Hunyo 15 sa Kapamilya Channel.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan