Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

OFW Department dapat nang itatag

PABOR tayo sa sinasabi ni Senator Christopher “Bong” Go na pagtatatag ng Department of Overseas Filipino Workers (DOFWs).

‘Yan ay matapos nating mapatunayan ngayong panahon ng pandemyang COVID-19 kung paano talaga itrato ng mga ahensiyang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Overseas Employment Authority (POEA) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga itinuturing nating “Bagong Bayani.”

Sabi nga ni Senador Bong Go, “simula noong nakaraang taon pa, nanawagan na ako na sana’y mapadali ang pagbibigay ng serbisyo sa ating OFWs sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang departamento na mamamahala sa pag-aalaga ng kanilang kapakanan.”

Sabi ni SBG, noon pa man ay maraming issues ang kinakaharap ng ating mga kababayang nagtatrabaho sa abroad. Gaya ng paglipat-lipat ng ahensiya na naging pabigat sa prosesong kanilang pinagdaraanan mula sa pagkuha ng kanilang mga permit, hanggang sa pagbibigay ng tulong para maresolba ang mga problemang hinaharap nila sa ibang bansa.

At nito ngang panahon ng pandemya, mas lumala pa dahil sa hirap na dulot ng COVID-19 crisis. Kung mayroon nga namang DOFWs, mas mapadadali ang koordinasyon ng mga ahensiya at may iisang departamento na tututok sa mga pangangailangan ng OFWs at iba pang migrant workers gaya ng seafarers.

Oo nga naman, hindi gaya ngayon na isang opisyal na puro dakdak lang ang alam at isa pang pakaang-kaang.

Hindi pa natin nalilimutan na isa ito sa priority bills ni SBG na agad niyang inihain nang siya ay maihalal na senador noong 2019. 

Prayoridad din ito ng legislative agenda ni Pangulong Duterte. Sa House of Representatives pasado na ang kanilang bersiyon noong Marso 2019.

Pero ang Senate counterpart ay nanatiling nakabinbin sa Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development.

Kamakailan sinabi ni SBG: “Ako ay nanawagan sa mga kasamahan ko sa Senado na sana ay maipasa na ang panukalang itayo ang Department of Overseas Filipinos.”

Sa ilalim ng mungkahing Senate Bill 202 o Department of Overseas Filipinos Act of 2019, layunin nitong tutukan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga kababayan nating OFWs at migrant workers nang mas ‘efficient’ at ‘responsive’ sa ilalim ng iisang ahensiya at hindi ‘yung palipat-lipat pa.

“Tungkulin ng ating pamahalaan na pangalagaan ang kapakanan ng ating mamamayan na nasa abroad. We should make sure that all Filipinos in distress, here or abroad, are given timely assistance and that measures are also undertaken to protect their welfare, especially in times of crises,” pahayag ni SBG.

Sa ilalim ng nasabing departamento, mapagtutuuanan nang husto upang resolbahin ang malaon ng mga suliranin ng OFWs gaya ng koordinasyon sa mga ahensiyang may kinalaman sa OFW affairs gaya ng  immediate legal assistance to OFWs in distress; lack of full migration cycle approach in promoting migrant’s rights from pre-employment, onsite and reintegration services; and lack of shared database system that contains all information of all OFWs to aid in tracking their status and fast track delivery of assistance to distressed workers.

Sa kasalukuyan nga naman lahat ng serbisyo at impormasyon ay kung saan-saang opisina pa pupuntahan. Maraming dinaraanang iba’t ibang ahensiya bago makaresponde ang gobyerno sa mga OFW na humihingi ng saklolo. Iba-iba ang concern, iba-iba ang kailangang lapitan mula DFA, OWWA, MARINA, at iba pa.

Talagang nalilito ang OFWs sa kasalukuyang sitwasyon at sa oras na kailangan nila ng saklolo, hindi na nila alam sino ang dapat lapitan kaya sa media o Facebook sila nananawagan.

“If mayroon na tayong department for OFWs, iisa na lang ang lalapitan at iisa na lang ang makikipag coordinate na departamento. Magiging mas maayos ang pagresponde sa mga krisis at mas mabilis nating matutulungan ang ating mga kababayang humihingi ng saklolo.”

Hay naku, mantakin ninyong sa rami ng ahensiyang ‘yan na nakatutok sa ‘iniaakyat’ na remittances ng OFWS, sa panahon ng pandemya ay ibinuro sila sa mga quarantine facilities at hindi na inasikaso?!

Sinundo lang sa Airport at nagpa-photo op pero pagkatapos no’n ni ha, ni ho, wala nang nabalitaan ang mga OFW.

Ang lahat ng mag-post sa social media ng kanilang hinaing, pinagbantaan pang kukunin ang gadgets.

Naubos ang pera at oras ng OFWs pero walang nangyari sa kanila sa quarantine facilities.

Sana’y imbestigahan ng Senado ‘yang ginawang kamiserablehan ng mga ahensiyang ‘yan sa OFWs.

Pangunahan mo na Senator Bong Go!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *