Saturday , November 16 2024

Pangakong ayuda ng Pangulo sa healthcare workers na biktima ng COVID-19 ‘binuro’ ng red tape (DOH, DBM, DOLE tinukoy ni Go)

DESMAYADO si Senate committee on health chairman Senator Christopher “Bong” Go sa mabagal na paglalabas ng concerned government agencies  ng  benepisyo na para sa mga frontliners partikular ang mga nagbuwis ng buhay sa paglaban sa pandemyang coronavirus (COVID-19).

Sa kanyang  talumpati sa Senado, sinabi ni Go, nagtiwala siya sa kakayahan ng mga nasa government agency pero tulad ng nasabi niya noon pa, magsasalita siya kapag may nakita siyang  mali lalo na kapag tungkol sa serbisyo at trabaho para sa tao.

Sinabi ni Go, malinaw ang polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa red tape, dapat sa loob ng 48 hanggang  72 oras, ay nakalabas na ang papeles na kailangang mailabas.

Hindi tuloy naiwasan ni Go na magtanong kung sadya nga bang pinatatagal  ang proseso o walang  gumagalaw.

Binigyang diin ni Go na mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi na dapat ay mabigyan ng karampatang suporta  ang health workers  at ang kanilang pamilya  bilang  pagkilala sa mga sakripisyo nila para sa bayan.

Kaugnay nito, iginiit ni Go na desmayado siya sa magkakaibang pahayag ng Department of Budget and Management (DBM) at ng Department of Health (DOH)  kaugnay sa guidelines bago ilabas ang  pera para sa benepisyo ng healthcare workers.

Pinagsabihan ni Go ang DBM, DOH at maging ang Department of Labor and Employment (DOLE) na mag-usap-usap upang magkaroon ng koordinasyon.

Ikinairita ni Go ang joint issuance ng mga ahensiya para ipatupad ang isang bagay na dapat ay noon pa nila ginawa kasabay ng hamon na gumising at kumilos ang mga ahensiyang tila nagtutulog-tulugan o sadyang ‘patay’ na?

Hindi naiwasang itanong ni Go kung ano ang mararamdaman ng mga opisyal ng mga concerned agencies kung sila naman ang namatayan at matagalan sa pagbibigay ng tulong na dapat sana ay naibigay ng  gobyerno. (CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *