Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rosanna, magti-titser sa isang baguhang hubadera

ANG saya-saya ni Rosanna Roces ngayong inilagay na sa General Community Quarantine ang NCR dahil magsisimula na siyang mag-shooting ng pelikula kasama sina Katya Santos, Maui Taylor, at Alma Moreno na ididirehe ni Darryl Yap (direktor ng Jowable) at ipinrodyus ng Viva Films.

 

Ayon kay Osang, “ang saya-saya ko, balik trabaho na ulit. Excited ako sa movie na gagawin namin nina Alma, Maui, at Katya. Comedy daw, si Darryl Yap direktor, hindi ko pa kilala, pero bata ‘yan ‘no?”

 

Tawang-tawa ang aktres habang ikinukuwento ang bago nilang pelikula dahil may kasama silang bagong sexy star na sila ang magtuturo.

 

“Oo kami ang magtuturo sa bagong hubadera,” pag-amin ng aktres.

 

Hirit namin, mga dating sexy star ang magkakasama. “Oo nakakatawa ang title, ‘The Next Philippine Pornstar’ enjoyin ko ‘yan. Diyosko blessing ‘yan.

 

“Fourteen days daw kami sa Subic, ‘yan ang gusto ng management,” sabi ni Osang.

 

Mala-Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin ba ang peg? “Hindi, seryoso ‘yung ‘Ligaya,’ ito naman comedy, hindi ko pa nababasa ang script.”

 

Aabutin sila ng 10 shooting days sa Subic pero mag-stay sila ng 14 days para siguro makapagpahinga at maglibot-libot na rin.

 

Biro pa namin na malamang sina Osang at Alma ang nasa comedy part dahil mahusay sila sa timing.

“Oo, hahataw kaming dalawa riyan,” susog ng aktres.

 

Samantala, bukod sa Viva project, hinihintay na lang din ni Rosanna kung kailan siya ipatatawag ni direk Adolf Alix Jr. para sa isang indie film at magkakaroon din ng Panti Sisters 2.

“Mayroon pang isang malaking project, hindi ko pa puwedeng sabihin pero ako ang bida,” sabi pa.

 

As of now ay ini-enjoy ni Osang ang apong si Maha na kasama nila sa bahay ng partner niyang si Blessy.

 

“Pero ngayong may trabaho na ulit ako, ibabalik ko muna siya sa nanay niya (Grace),” saad pa.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …