Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eskapo, mapapanood ng libre ng iWant 

SA pagdinig sa House of Representatives noong Miyerkules (Hunyo 3), ibinahagi ni ABS-CBN chairman emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III ang panahong tumakas siya ng bansa noong 1977 kasama ang tatay niyang ikinulong habang ipinatutupad ang Martial Law.

 

Isinapelikula ito ni direk Chito S. Rono na ang titulo ay Eskapo na ginampanan nina Christopher de Leon (Geny Lopez Jr), Richard Gomez (Serge Osmena III), at Mark Anthony Fernandez (Gabby Lopez).

 

Tampok ang buong kuwento sa digitally remastered movie na Eskapo na isinasalaysay ang makasaysayang pakikipaglaban nila para sa kalayaan na mapapanood ng libre sa iWant.

 

Magsisimula ang Eskapo sa hindi inaasahang deklarasyon ng Martial Law noong 1972 na libo-libong Filipino ang inaresto. Kabilang dito sina sina Geny, ang mga anak ng ABS-CBN founder na si Eugenio, Sr. at dating Pangulong  Osmeña na ikinulong nang walang kasalanan.

 

Hindi man magkakilala bago makulong, magiging matalik na magkaibigan sina Geny at Serge habang patuloy na nakikiusap ang mga pamilya nilang palayain sila.

 

Sa kulungan, sisimulan nina Geny at Sergio ang isang hunger strike para iprotesta ang hindi makatarungang pagkakakulong ng libo-libong Filipino. Ngunit pagkatapos ng limang taong pagkakapiit, magdedesisyon ang dalawang tumakas sa bansa, sa tulong ng kaibigan ni Geny na si Jake (Ricky Davao) at ng mga anak niyang sina Gabby (Mark Anthony), at Raffy (Eric Fructuoso).

 

Kasama rin sa cast ng Eskapo sina Dina Bonnevie, Armando Goyena, Amado Cortez, Farrah Florer, Paula Peralejo, TJ Cruz as Ernie Lopez, Camille Prats, Carlo Prats, Maila Gumila, at ang special participation nina Mark Gil, Joel Torre, at Teresa Loyzaga.

 

Panoorin ng libre ang digitally restored version ng Eskapo pati na ang Dekada 70 sa iWant app sa iOS o Android o mag-log in sa iwant.ph. Mae-enjoy din sa iWant ang iba ang digitally restored version ng classic Pinoy movies gaya ng Karnal, Himala, Oro Plata Mata, Madrasta, Cedie, Batang PX, Magic Temple, Sana Maulit Muli, Hihintayin Kita sa Langit, at Got 2 Believe.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …