TRENDING sa social media si DJ Loonyo, ang dance artist/choreographer dahil sa opinyon niya tungkol sa mass testing at Covid-19 vaccine na hindi nagustuhan ng netizens dahil wala siyang alam.
Sa kanyang Youtube vlog na may 1.27 subscribers ay hati ang reaksiyon nang marinig nila kung ano ang pahayag ni Loonyo sa mass testing na trial and error. Kinuwestiyon din niya ang Covid-19 bakuna na sa kanya ay ayaw niya dahil kailangang malaman muna kung ano ang nilalaman nito.
Sa live interview ni Loonyo online kay Evo, “I just don’t know, it’s like gagana ba ‘tong bagay na ‘to kung anuman ‘yung bagay na ipapainom nila, kung anuman ‘yung bagay na ipapagawa nila, it’s a trial and error that’s why it’s mass testing. Kaya kawawa ‘yun mag-i-intake nun, kawawa ‘yung mag-u-undergo nun ‘coz it’s not hundred percent proven.”
Ang kausap ni Loonyo na si Evo ay natakot din dahil inire-require raw silang mag-mass testing bago makabalik sa trabaho at tinanong din niya ang asawa niya kung kailangan siyang sumailalim nito.
Pero dahil sa narinig niyang katwiran ni Loonyo ay hindi niya gagawin ang mass testing.
Pero kaagad din namang klinaro ng sikat na mananayaw na opinyon niya iyon at hindi niya pinipigilan ang publiko na gawin ang mass testing.
At dahil sa opinyon na ito ni DJ Loonyo ay kaliwa’t kanan ang batikos sa kanya dahil lumalabas na wala siyang alam.
“He only has the looks and a good dancer pero sabaw pala,” ito ang isa sa nabasa naming matinding komento mula sa netizen.
May isang ginang na nagkomento rin, “SOBRANG ALARMING NITO DJ LOONYO NAKAKALOKA HAHAHA. I’M SO DISAPPOINTED. FOR A PUBLIC FIGURE HA. WALA E, MINSAN LANG TALAGA, KAPAG ANG ISANG TAO NAGSALITA NA, IT DESTROYS THE FANTASY.
“Doon mo sila makikilala. Iyong depth. Iyong substance. Iyong sense. Lahat ng kilig ko sa video niya nawala hahahaa.
“I NEVER CRINGED SO MUCH OVER AN IGNORANCE LIKE I DID WHILE WATCHING THIS CLIP.
“Literal akong sumisigaw ng ‘PINAGSASASABI MO?!’ Hahahaha iba ‘to. Nasa ibang dimensyon pag iisip ni Sir. Ang hirap tapusin nu’ng video. I was even hoping na isa prank hahaha. As in pinagtiyagaan ko siya pakinggan hoping na may redemption sa dulo or at least iyong kausap niya e iko-correct siya. But much to my surprise, parehas silang walang proper knowledge kung ano ang COVID Testing, Rapid Testing and most importantly, Mass Testing.
“In almost 3 months of quarantine, almost half a year our world is battling this pandemic, may katulad ni DJ Loonyo who has a very wide audience and has an access to the internet, na hindi alam kung ano na ang nangyayari at kung ano ang mass testing. Mas malala ‘to sa confusion ni Harry Roque guys. And God knows, ilang tao pa iyong katulad niya ng paniniwala.
“Hopefully his followers or friends reach out to him and give him a crash course about COVID19. Naiintindihan ko iyong concern niya about being a ‘guinea pig’ for clinical trial but you know it’s completely different hahahaha sobrang nakakastress hahaha. And he was so sure sa sinasabi niya while vaping. I can’t I just can’t.
“Let us educate one another mga kakosa. Do not let this kind of assumption slide.
“RESEARCH. Nakamamatay ang virus pero mas nakamamatay ang maling impormasyon.
“Kaya Kids, mag aral kayo maigi. Mabuti. Masipag. Never stop learning. Laging may lamang ang may alam. 2020 na at nagkaka-pandemic na, hindi puwedeng puro pagwapo paganda pa-cute lang. #KeplerLoonyo.”
Sa kabilang banda, agad namang humingi ng paumahin ang naturang DJ ukol sa maling sinabi o pagkaintindi nito ukol sa mass testing.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan