Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paghamon ni SolGen Jose Calida kay Coco Martin gawain ba ng matinong opisyal ng gobyerno? (Marcoleta hari-harian sa hearing ng Kamara)

SA PANANALITA ni Solicitor General Jose Calida sa hearing noong Lunes sa Kamara para sa prankisa ng ABS-CBN ay halatang gigil at iritado siya sa naging pahayag ni Coco Martin nang ipaglaban nito ang

11,000 employees ng ABS-CBN dahil umano sa pambabraso ng opisina ng una sa NTC ay naipasara ang network noong May 5, 2020.

 

So itong si Calida ba ang dapat pang magalit samantalang siya ang may kagagawan kung bakit na-shutdown ang Kapamilya network dahil sa isinampang kaso na pawang baseless dahil nasagot at nabigyang linaw na ito ng ABS-CBN.

 

At may dialogue pa siya sa recent hearing sa Kamara na patungkol kay Coco na: “If I had not been SolGen. I will make you eat your words.” Sagot niya kuno kay Coco sa sinabi ng Kapamilya actor na: “Kapag pamilya ko ang kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako nang patayan sa iyo kahit patayin mo pa ako.”

 

For us, para sa isang opisyal na tulad ni Calida ay matino bang hamunin niya si Coco, na ipakakain niya sa

actor ang mga sinabi nito. Well, hindi siya papatulan ni Cardo Dalisay lalo’t matanda na, at alam naman niyang wala siyang ibubuga pagdating sa bakbakan.

 

Ipinaglalaban lang ni Coco o ni Cardo ang kanilang estasyon at silang mga trabahante na obyus namang paulit-ulit na inaapi’t inaalipusta ng makukulit at mga sirang plaka na tulad ni Calida at Rodante Marcoleta na hari-harian sa hearing sa Kamara. Naturingang leader ng Sagip Party-list pero walang konsensiya at puso sa mawawalan ng trabaho sa ABS-CBN.

 

Well kung may contravida, tulad nila ay may tagapagtanggol naman ang ABS-CBN sa kongreso na parehong ipinaglalaban ang #NoToABS-CBNShutdown. At ito’y kinabibilangan nina Representatives Vilma Santos, Loren Legarda, Sol Aragones, Joy Myra Tambunting at iba pa. Bale nasa 16 ang bilang ng kongresista na kampi sa Kapamilya network.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …