Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Willie, ginagamit ang show para makatulong

MARAMING personalidad sa showbiz ang tumutulong ng palihim sa mga apektado ng Covid-19 tulad nina Aiko Melendez, Sunshine Dizon, Direk Perci Intalan, Cornerstone CEO at Presidente, Erickson RaymundoTony Labrusca, Senatong Bong Revilla, at asawang si Bacoor Lani Mercado, Congressman Yul Servo, mag-asawang Art Atayde at Sylvia Sanchez kasama ang mga anak na sina Ria at Arjo at marami pang iba.

 

Masyado lang maingay ang ginagawang pagtulong ng magkakaibigang Angel Locsin, Bea Alonzo, Kim Chiu, Anne Curtis, Dimples Romana at iba pa dahil panay ang post nila sa social media para makahikayat pa sila ng iba na tumulong lalo’t may foundation sila for a cause.

 

Iisa ang katwiran ng mga personalidad na nabanggit na kahit wala ka sa posisyon kung gusto mong makatulong ay gagawin mo ng buong puso.

 

Ginagamit naman ni Willie Revillame ang kanyang TV show na Wowowin para tumulong sa mga nangangailangan, nagpapa-games siya at ‘yung iba ay palihim din niyang ginagawa.

 

Sa nasabing programa ni Willie ay may sponsors siyang Shopee para sa Tutok To Win, na malalaki ang papremyo dahil araw-araw ay 50,000 ang premyo ng mananalo.

 

Sabi ni Willie, “Alam mo, ang pagtulong sa kapwa, may posisyon ka, wala kang posisyon, kung may piso ka, bigay mo ‘yung 25 sentimos, I think, ‘yun na ‘yun, eh. ‘Yun ang pinaka-importante. Basta dapat, malinis ang kalooban mo,” ito ang naging takbo ng usapan nila ng singer na si Marco Sison nang maging guest niya ito kamakailan.

 

Anyway, maraming pinasayang kababayan natin si Willie dahil sa araw-araw na panonood ng Wowowin ay marami sa kanila ang nanalo.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …