“IN our own way, we paid our respects to George Floyd and the countless others who, like him, paid the ultimate sacrifice in the war of racial injustice in our country. Today was an early yet important lesson that I hope Olivia will somehow remember – let your voice be heard but always in a peaceful, respectful way • #blacklivesmatter #justiceforgeorgefloyd:”
Ito ang caption ng video sa Instagram post ni ABS-CBN TFC correspondent Ginger Conejero-Saab sa Financial District ng San Francisco, USA na nagmartsa ang protesters sa nangyari kay Black American, George Floyd, 46.
Nitong Mayo 25 ay inaresto si George ng Minneapolis police base sa sumbong ng Deli employee na tumawag sa 911 dahil bumili ng sigarilyo na peke umano ang ibinayad na $20 bill.
Base rin sa ulat, namatay si Floyd habang nasa kustodiya ng mga pulis bagay na kinondena ng netizens.
Base naman sa kuwento ng aming kaanak na nasa New York, USA ay may mga pagnanakaw na ring nagaganap sa mga mall doon kaya takot na takot ang mga tao.
“Rito sa Soho mga designer stores din binasag na lahat. Desperado na mga tao. Wa work, wa money. Ay ang gulo grabe hindi pa kami natapos sa COVID paano na ‘to? Lalo pa lumalala.
“Buong America in crisis na! Racism at COVID ang papatay sa mga tao rito. Katakot mag-drive lalo kasi lahat ng main roads. May protesters tapos binabasag ang mga car.
During the day medyo calm sa gabi ay sinusunog mga car lalo na ang mga police car.”
At pati ang tanyag na St. Patrick’s Cathedral sa NYC ay, “nilagyan ng graffiti. Wala ng pinaligtas,” sabi pa sa amin.
Hindi naman nagpapabaya ang mga pulis sa NYC. “Araw-araw how many hundreds naaaresto pero lumalala pa rin. Tawag na sila national guards.”
Dagdag pa, “Galit din sa mga naka-uniforms (tao). Sobra naman kasi mga police rin out of control pati mga babae sinisipa.”
Kaya bihira lumabas ang mga tao sa kani-kanilang bahay at kapag pumapasok naman sila sa trabaho ay sobrang doble ingat at nagmamadali.
Samantala, sinisisi rin ng protesters sa NYC ang presidente nilang si Donald Trump na inakusahang racist.
“Galit siya (Trump) sa mga new Yorker kasi hindi siya nanalo rito. Democratic state ang NYC,” kuwento pa.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan