Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dovie San Andres todo-effort sa pagpayat para makapag-sexy outfit muli (Inspired sa mga papuri ni Tyrone Oneza)

Masaya at inspired ngayon ang controversial social media personality at soon to be actress na si Dovie San Andres at kita ito tuwing nagla-live siya sa kanyang social media.

May nagpapasaya ba ngayon sa puso ni Dovie kaya ganito siya ka-happy? According to her (Dovie) ay wala pa raw siyang bagong love life pero natutuwa siya at marami ang nakapapansin sa kanyang unti-unting pagpayat dahil ito naman daw talaga ang goal niya, maibalik ang dating kaseksihan.

Isa sa madalas pumuri sa effort ni Dovie na magbawas ng timbang sa pamamagitan ng diet at daily exercise ang recording artist-businessman na si Tyrone Oneza.

Nakatataba raw lagi ng puso ang mga comment ni T-yrone at tinawag pa siya nitong manikang buhay o mannequin na nakikita sa mall, na ang ibig sabin ng singer ay maganda siya.

Well deserve ni Dovie na mabigyan ng compliment at mahirap talaga ang magpapayat. Imagine in two months time ay nagawa niyang magbawas ng 40 pounds.

Yes, gusto nang maisuot uli ng controversial personality ang kanyang sexy outfits kaya kahit dusa siya sa pagkain ay hindi na iniintindi, ang importante ay pumayat siya.

By the way ang isang pa raw ikinata-touch ng kaibigan at minamahal naming BFF na matagal nang based sa Canada ay ang oras na ibinibigay sa kanya ni Tyrone samantala ‘yung guy na pinag-ukulan niya ng panahon na mahalin at suportahan sa mga pangangailangan ay deadma naman sa kanya at may iba yatang mundo.

Yes ang aming tinutukoy ay aktor-aktoran na mabait lang kapag pinadadalhan siya ng suporta ni Dovie pero iba ang priority at hindi pinahahalagahan ang nagpapala sa kanya.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …