Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road accident

Misis na lung cancer patient, mister patay (Ambulansiya sumalpok sa footbridge)

PATAY na ang mag-asawa sa limang sakay ng ambulansiya na bumangga sa foot bridge kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ang mag-asawang biktima na sina Rida Balanay, 38 anyos, lung cancer patient; at mister nitong si Emmanuel Balanay.

Base sa ulat ng Quezon City Police District – Traffic Enforcement Unit (QCPD-TEU),  dakong  9:00 pm nang maganap ang insidente sa EDSA corner East Avenue ng lungsod.

Ayon sa nakaligtas na pasahero na si Nora Rubaya, pauwi sila sa Binangonan, Rizal matapos sunduin ang pamangking si Rida mula sa Lung Center of the Philippines nang sumalpok ang sinasakyan nila sa footbridge.

Sa lakas ng impact, nayupi ang hood at nawasak ang makina ng ambulansiya dahilan upang mapinsala ang mga sakay na kinabibilangan ng mag-asawa.

Nakaligtas ang driver at ang dalawa pang babaeng sakay ng ambulansya ngunit hindi agad nailabas ng rescue team ng MMDA ang mag-asawa matapos maipit sa loob ng sasakyan.

Nang mailabas ang mag-asawa, agad isinugod  sa East Avenue Medical Center pero binawian ng buhay ang dalawa dahil sa malubhang pinsala sa katawan.

Nabatid na sinundo ng mister ang kanyang misis matapos tapatin ng doktor na iuwi na sa bahay si misis dahil hindi na kayang isalba sa sakit na stage 4 lung cancer. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …