Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua Garcia, maraming natutuhan kay Daniel Padilla  

SA ACTOR’S CUE sa Extend The Love page hosted by Direk Adolf Alix, Jr., ay maraming kuwento si Joshua Garcia tungkol sa kanyang career lalo na noong nag-uumpisa pa lang siya sa showbiz.

At dahil kasama niya si Daniel Padilla sa panel ay pinasalamatan ni Joshua si DJ dahil marami raw siyang natutuhan. May proyekto silang pinagsamahan ni

Daniel na Barcelona, na introducing ang young Kapamilya actor. Aminado si Joshua, na may

shock factor sa kanya na sa paglabas niya ng Bahay ni Kuya ay isasalang na agad siya sa isang proyekto, as in wala pa raw kasi siyang ideya o alam pagdating sa acting. Ang siste lagi raw siyang nasisigawan ng director at umaabot pa siya ng take 20 sa isang eksena.

 

Para mapagbuti ang kanyang craft, ay nag-acting workshop siya kaya natuto na rin at nakamit ang kauna-unang Best actor trophy sa MMFF 2016 para sa pelikulang “Vince and Kath and James” kasama ang former GF na si Julia Barretto at si Ronnie Alonte.

 

Then nagkasunod-sunod na ang proyekto ni Joshua sa ABS-CBN at Star Cinema at kinikilala rin bilang isang mahusay na actor sa bagong henerasyon gaya ng idolo niyang si John Lloyd Cruz. Maayos na rin ang buhay niya at nabigyan ng bahay ang kanyang pamilya.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …