Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

CHIKA MO, VLOG KABOG Mapapanood na simula ngayong May 30 sa FB live at soon sa YouTube

Simula ngayong May 30, Saturday at 7:00 to 8:00 pm ay isang bagong-bagong online show na “Chika Mo, Vlog Kabog” ang mapapanood ninyo sa Facebook Live na hosted ng inyong columnist kasama ng mga kaibigang sina Pete Ampoloquio, Jr., at Mr. Astig Papa Umang (Abe Paulite).

Yes live na live ninyo kaming makikita at makaka-chikahan sa aming Chika Mo, Vlog Kabog page at sa Facebook account naming tatlo na Peter Ledesma, Pete Ampoloquio, Jr., at Abelardo Cana Paulite.

Bukod sa hitik at maiinit na chika sa showbiz ay mapapanood rin sa aming FB Live ang ilang juicy blind items, at kung ano-anong topic under the sun.

Ang Chika Mo, Vlog Kabog ay inyo rin masusubaybayan sa aming PPA Entertainment YouTube channel, thrice a week M-W-F at start

na kami sa darating na June 1.

Kaya kung gusto ninyo ng bagong putahe tutok lang at mag-subscribe sa aming PPA Entertainment in YT at paki-like, comment, at share ang aming FB Pages.

Ang Pete and Peter tandem ay sumikat noon sa “Chika Mo, Chika Ko” na showbiz entertainment talk show sa UNTV-37 na tumagal ng apat na taon sa ere mula 2004 hanggang 2008.

Naging parte rin si Pete, ng programang “Juicy” sa TV 5.

See you mga ka-Chika!

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …