Monday , December 23 2024

2nd tranche ng SAP, mas mabilis — DILG (Sa tulong ng PNP)

MAGIGING mabilis ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Ito ang pagtitiyak ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya sa tulong ang Philippine National Police (PNP) sa pamamahagi lalo sa mga geographically isolated at disadvantaged areas sa bansa.

Pero ang pangunahing mangangasiwa sa pamamahagi ay local government units (LGUs) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Nakahanda naman po ang ating pulisya para alalayan ang DSWD at LGUs sa pamimigay ng ayuda sa malalayo at ilang na lugar sa ating bansa para masiguro na matatanggap ng ating mga kababayan,” ayon kay Malaya.

Sinabi ni Malaya, inaasahan niya na ang payout ng 2nd tranche ng SAP cash aid ay magiging mas mabisa at sistematiko dahil natutuhan na ng LGUs ang mga pagkukulang sa naunang payout.

“Kinikilala namin ang napakalaking paghihirap na dinaranas ng mga LGU sa pamamahagi sa unang tranche ng SAP. Nauunawaan namin ito dahil ito ang pinakamalaking financial cash aid para sa mahihirap na pamilya sa kasaysayan ng bansa,” ani Malaya.

“Pero ngayon, umaasa kami na mas magiging mabilis na ang proseso dahil pinagdaanan na nila ito at alam na nila ngayon kung paano mas magiging maayos at sistematiko ang pamamahagi ng SAP,” ayon kay  Malaya.

Nitong 28 Mayo, ang deadline ng DILG ng pagsusumite ng ‘liquidation’ ng LGUs ng encoded na listahan ng mga benepisaryo para sa pangalawang tranche sa DSWD.

“Tulad ng utos ni Kalihim Eduardo Año, kailangang tapusin ng LGUs ngayon (May 28) ang liquidation report nila ng first tranche at i-submit na nila ito pati na ang encoded list of beneficiaries sa DSWD. Saka pa lamang tayo makapagpapatuloy sa 2nd tranche,” anang  DILG Undersecretary.

Batay sa mga ulat mula sa DSWD, 472 mula sa 1,634 LGUs sa buong bansa ang nagkapagsumite ng kanilang mga ulat sa liquidation sa ahensiya nitong 26 Mayo 2020.

Binigyang-diin ni Malaya, kailangang tanggapin ng LGUs ang mga isinauli o ini-refund na SAP cash aid mula sa mga benepisaryo na nakatanggap ng katulad na benepisyo mula sa ibang mga ahensiya ng gobyerno tulad ng 4Ps, CAMP ng DOLE at SBWS ng SSS.

Ang lahat ng naibalik na cash subsidy ay maaaring ibigay sa “left-out” families sa kanilang nasasakupan bago ang liquidation, basta sila ay kalipikadong makatanggap ng SAP ayon sa mga alituntunin ng DSWD.

Para naman sa naibalik na cash aid mula sa mga benepisaryo matapos ang liquidation ng mga LGU, sinabi ni Malaya na ire-remit ang mga ito sa DSWD field offices.

“Dapat magbigay ng official receipt sa mga benepisaryo bilang patunay ng kanilang refund,” dagdag ng tagapagsalita ng DILG. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *