Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Proteksiyong legal sa health workers panukala ni Marcos

NANAWAGAN  si Senador Imee Marcos na bigyan ng malinaw na legal na proteksiyon ang mga health care workers na maaring maakusahan ng medical malpractice sa kabila ng ginagawa nilang pagbubuwis ng buhay para makapagserbisyo sa mamamayan na tinamaan ng COVID-19.

 

Nangangamba si Marcos na posibleng dumami ang bilang ng mga kahaharaping legal at personal na banta sa buhay ng health workers ngayon na inaasahan na ang pagluluwag ng restrictions sa mga ipinatutupad na quarantine kontra sa pagkalat ng virus simula sa 1 Hunyo.

 

“Asahan na natin sa Hunyo, maninibago na naman tayo sa galaw ng pandemya. Sa gitna ng panawagan ng lahat ng mga mayor ng Metro Manila na luwagan na ang mga umiiral na community quarantine kahit naitala ang pinakamaraming bilang ng tinamaan ng virus kahapon,” ani Marcos.

 

“Ang DOH ay walang malinaw na pahayag kaugnay sa kung paano mas mabibigyan ng proteksiyon ang ating medical frontliners at maging ang naging magandang laban natin kontra virus simula noong Marso,” dagdag ni Marcos.

 

Kaugnay nito, naghain si Marcos ng Senate Bill 1416 para amyendahan ang Republic Act 11332 o ang batas na mag-oobliga sa taongbayan na ipaalam sa mga kinauukulan ang tinatawag na “notifiable disease” o sakit na dapat ipaalam sa mga awtoridad.

 

Isinali sa ilalim ng Marcos bill ang mga respiratory illnesses na tulad ng COVID-19, Severe Acute Respiratory Syndrome o SARS, Middle East Respiratory Syndrome o MERS at pati na rin ang kanilang kadalasang komplikasyon na pneumonia.

 

Nakapaloob rin sa panukala na pananagutin at parurusahan ang sinomang maglilihim ng kanilang sakit na COVID o anomang notifiable disease, pati na rin ang mga may sintomas na tumatangging makipag-ugnayan sa mga awtoridad.

 

“Ang amyenda sa mga umiiral na batas ang magiging daan para maibsan na malantad ang mga health workers sa mga mis-diagnosis o maling pagtukoy sa mga sakit, at maprotektahan ang kanilang buhay, mga kasamahan at mga pamilya nito,” dagdag ni Marcos.  (CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …