Thursday , May 15 2025

Dahil sa COVID-19… Maynila lugi ng P2-B/buwan —Mayor Isko

 

NALULUGI ng halos P2 bilyon kada buwan ang pamahalaang lungsod ng Maynila dahil sa kinahaharap na pandemyang dulot ng coronavirus (COVID-19).

 

Ito ang pahayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na aminadong lubhang apektado ang pamahalaang lungsod nang isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong kapuluan ng Luzon .

 

Matatandaan, sa panahon ng ECQ, suspendido ang transportasyon, walang pasok ang mga empleyado, itinigil ang trabao, at nahinto ang kalakalan sa lungsod.

 

“Walang nagbabayad ng mga bayarin sa City Hall dahil sarado ang mga negosyo, so, wala rin pumapasok na pera,” ayon kay Mayor Isko.

 

Base sa datos mula kay city treasurer Jasmin Talegon,  Enero hanggang Marso bago ang quarantine, kumita ang lungsod ng P7.5 bilyon.

 

Dahil walang pumapasok na pondo, kailangan din gumasta ng malaking halaga ang pamahalaang lungsod upang matustusan ang ilang pangangailangan ng Manileño sa panahon ng quarantine, ayon kay Talegon.

 

Sinabi ni Vice Mayor Honey Lacuna, base sa listahan na ibinigay ng mga barangay chairman, ang total na bilang ng pamilya sa lungsod ay 680,000 at kapag pinarami ito ng  lima o tatlong beses, ito ay nangangahulugan na may tatlong milyong populasyon ng buong Maynila.

 

Bukod sa pagpapamahagi  ng food boxes nang ilang ulit sa  lahat ng residente ng lungsod, sinabi ni Lacuna, namudmod rin ng P1K kada pamilya nang dalawang beses ang pamahalaang lungsod simula noong ECQ.

 

Ang nasabing cash assistance ay mula sa city amelioration crisis assistance fund o CACAF na gumastos ang lungsod ng P1.3 bilyon.

 

Sinabi ni Isko, sa tulong ng city council sa pangunguna ni Lacuna bilang presiding officer, nagawa ng lungsod na mai-release ang city monthly financial aid sa senior citizens, solo parents, persons with disability, estudyante ng mga city-run universities tulad ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad De Manila (UDM).

 

Gayondin ipinalabas na ang mid-year bonus ng 10,300 regular employees upang matulungan sila sa kasalukuyang krisis.

 

Nabatid sa Facebook live ni Mayor Isko, madalas itong transparent sa pamamagitan ng pagpapasalamat  at binabanggit ang mga donasyon, mga indibiduwal at grupo na nagbigay tulong rin sa Maynila. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *