Tuesday , December 24 2024

Tawa-Tawa, sagot ni Katigbak sa mga komedyanteng walang trabaho

HINDI lang ang mga regular na empleado ng ABS-CBN ang inaalala ng Presidente at Chief Executive Officer ng kompanya na si Carlo L. Katigbak kundi pati ang mga artista nila lalo ang mga komedyante na walang regular na programa sa network.

Ito ang ibinahagi ng writer at isa sa bida ng gag show na Tawa-Tawa na napapanood sa iWant na umere noong Abril 17.

Sa ginanap na virtual presscon gamit ang zoom apps nitong Huwebes, Mayo 21, naikuwento ni Alex Calleja, “sobrang nagpapasalamat kami sa presidente ng ABS-CBN, kay sir Carlo kasi imagine naisip niya kami. Sabi niya, bigyan ng trabaho ‘yung mga komedyante kaya kami may trabaho, itong ‘Tawa-Tawa.’ Hindi man kalakihan pero may pangtawid. Kaya sana makabalik na ang ABS-CBN sa ere.”

Maganda ang hatid ng Tawa-Tawa dahil tatawa lang lahat ng manonood nito sa iWant habang nasa Modified Enhanced Community Quarantine ang ilang bahagi ng bansa.

Dagdag pa ni Alex, “Siyempre lahat naman tayo hirap ngayong quarantine, so itong ‘Tawa-Tawa Together’ more on nabigyan ng chance ang Kapamilya natin para may gawin din ang mga komikero katulad namin.

“Ang goal talaga nito, alam mo na maraming nalulungkot talaga sa kanilang mga bahay na mga Filipino na ang ginagawang libangan ay ang manood ng TV, manood online kaya nagawa rin ito, para tawa tawa together at magbigay saya.”

Kasama sa gag show ang iba’t ibang komedyanteng tulad nina Alex Gonzaga, Pokwang, Melai Cantiveros, Jason Gainza, Donna Cariaga, James Cariaga, TJ Valderrama, Vandolph Quizon, Herbert Baustista, at ‘Goin Bulilit’ kids para bigyan ng nakatutuwang twist ang karanasan ng iba’t ibang pamilya habang may quarantine.

Sa pilot episode ay ipakikita si Nonong Ballinan ng Home Sweetie Home na ipinakita ang mahihirap na pagsubok na dala ng pagbi-video chat sa crush at pag-iwas sa mga kaibigang nangungutang.

Nakatutuwa ang kuwento ni Alex sa mga karanasan niya sa bahay dahil sa tuloy-tuloy na ‘toyo mode’ ng kanyang asawa.

Katatawanan din ang dala ni Vandolph tungkol sa malupit na ‘social distancing’ na ginagawa ng kanyang praning na pamilya, habang haharapin naman si Alex ang makukulit at matatalinong sagot ng child stars na sina Raikko Mateo, Enzo Pelojero, Chunsa Jung, Sophia Reola, at Carlo Mendoza sa kanilang ‘bugtong-bugtungan’ challenge.

Mula sa Cebu, magpapasikat din ang mag-amang Gedent Ambayic at Diego ng Crazy Duo gamit ang kakaibang interpretasyon ng theme song ng noontime show na It’s Showtime. Dala naman ng YouTuber musician na si Rex Ricamara ang isang awitin tungkol sa panganib ng pagtambay sa labas.

Magsasama-sama naman ang mga komedyante para sa kanilang makabagong bersiyon ng May Pulis Sa Ilalim Ng Tulay, May Tanod Sa Gilid ng Kanto na kanilang pagdudugtungin upang makabuo ng mga katawa-tawa ngunit makatotohanang pangyayari ngayong panahon ng quarantine.

Umere ang six-part comedy show ng iWant noong Abril 17 at nagbigay katatawanan kasama ang mga bagong guest sa bawat episode nito na inilalabas tuwing Biyernes. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundin ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *