NASUPALPAL ang mayabang at ilusyonadang si Vice Ganda dahil lahat ng dare niya kay Pastor Apollo Quiboloy ay nagkatotoo.
Nag-start na nawala ang traffic sa EDSA last March 15, 2020 dahil sa ipinatupad na enforced quarantine sa buong Metro Manila.
Nitong May 5, 2020, nawala naman ang Ang Probinsyano dahil ipinasara naman ang ABS-CBN ng National Telecommunications Commission (NTC).
Matatandaang more than three years ring namayagpag sa ere ang nasabing Teevee soap.
Last May 19, nagsalita sa kanyang programang Powerline sa Sonshine Media International Network si Pastor Quiboloy at ipinaalaala sa ilusyonadang ABS CBN star ang kanyang matataray na pahayag noon.
According to the soft-spoken preacher, divine justice raw ang namayani kaya nangyayari ang mga bagay-bagay.
“Iyan ang sinabi ko sa inyo,” he said with conviction, “ang kayabangan, nakikita ng Diyos ‘yan.
“Kapag binigyan kayo ng pabor sa buhay, huwag kayong ganoon.
“O ngayon, nakita mo na, may Diyos sa langit, tapos nakita mo na Siya ang tumitimbang sa lahat ng mga tao rito sa lupa kung ano ang ginagawa nila.
“Hustisya ang Diyos, Vice Ganda, hustisya.”
Patuloy pa ng mabait na pastor, “Ngayon, napatunayan mo na meron akong Diyos na nagpadala sa akin.”
Suffice to say, tinuturuan lang daw ng pastor si Vicer para in the event na ibabalik siya ng Diyos sa ganoong estado ng buhay, alam na niya ang dapat gawin.
At this juncture, tinanong ng kalmanteng pastor kung nasaan na raw ‘yung mga kasama ni Vice na kita pati ngala-ngala kung humagalpak ng tawa, along with the woman who was made up heavily she looked like a clown.
Kung vindictive raw siyang tao, si Vice ang kanyang
pagtatawanan dahil sa hitsura nitong kakaiba.
Kung minsan raw kasi, puti ang buhok, kung minsan naman pink, at blue naman kung minsan.
Pananakot pa ni Quiboloy, “Nagkamali ka ng pinakialaman, Vice.
“Akala mo, makapangyarihan na kayo noon.
“Ang ABS-CBN kasi, kapag narinig, para bang Diyos,
“Kailangan lahat, ‘tumabi kayo lahat, kasi nandito na kami.’”
Huling banat ni Pastor Quiboloy, kapag binigyan raw tayo ng pabor ng Diyos, pabor na maging tanyag, pabor na maging mayaman, huwag raw tayong maging mapangkutya ng kapwa tao.
Correct!
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.