Friday , May 2 2025

Insurance coverage isinusulong ni De Lima

NAGHAIN ng panibagong bill si Sen. Leila de Lima para mabigyan ng additional insurance coverage at hazard pay ang mga mamamahayag, lalo sa ganitong panahon ng pandemya.

 

Batay sa Senate Bill No. 1523, magkakaroon ng karagdagang tulong ang isang journalist kung napinsala, sumailalim sa hospitalization, at disability habang ginagampanan ang tungkulin.

 

Bukod na proteksiyon ang ipagkakaloob sa kanila ng estado mula sa ibang banta sa kanilang buhay.

 

Una rito, isinulong ni Sen. Imee Marcos ang coronavirus special risk pay for media personnel.

 

Habang sa Kamara de Representantes ay itinutulak ni Rep. Mujiv Hataman ang hazard pay para sa healthcare workers, immigration employees, media workers at maging sa security forces. (CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong muling sinusuportahan si Bam Aquino, pinuri integridad at track record

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAHAYAG ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang kanyang suporta sa …

Senate Senado

“Labor Commission” isinusulong sa senado

IMINUNGKAHI ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkoles ang pagbuo ng isang national labor commission …

Leninsky Bacud ABP Partylist

P1-M pabuya alok ng ABP Partylist laban sa gunman, utak sa pagpaslang kay Bacud

NAG-ALOK ng halagang P1 milyon ang Ang Bumbero ng PIlipinas (ABP) Partylist sa makapagbibigay ng …

Bigas Rice P20 per kilo

P20/kilo ni Marcos ‘gimik’ para makapuntos ng boto — CPP

“KASUKLAM-SUKLAM ang gobyernong Marcos sa paggamit sa gutom at kahirapan ng mga Filipino para lang …

Batangas Money

Batangas SP iimbestigahan educational aid sa lalawigan

NAGPAHAYAG ng matinding pagkabahala ang Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas sa estilo ng pagkaltas sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *