Sunday , December 22 2024

Goma umalma vs balik-probinsya (Protocols binalewala sa COVID-19)

PINALAGAN ni Ormoc City Mayor Richard “Goma” Gomez sa aniya’y ‘pambubulag’ sa mga alkalde at kawalan ng koordinasyon sa kanila ng mga ahensiya ng pamahalaan na bahagi ng programang Balik-Probinsiya.

Ayon kay Goma, nabulaga siya sa isang text message sa kanya ng regional officer ng Department of Interior and Local Government (DILG) kahapon ng umaga na nagsabing tanggapin nila ang darating na tatlong eroplanong lulan ang mga magbabalik sa Tacloban City.

Kabilang sa mga tinukoy ni Goma sa mga hindi umano sumunod sa lahat ng protocols kaugnay ng pandemyang coronavirus disease (COVID-19) ang DILG, National Housing Authority (NHA), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

“DILG, NHA, OWWA, what happened to all the protocols that you guys are trying to formulate for returning residents?!!!” ani Goma sa kanyang FB post kahapon.

“I just would like to share what is happening right now about this Balik-Probinsya program. This morning the DILG regional office and OWWA texted, “texted” us informing us that there are 3 planes arriving in Tacloban and telling us to receive them without following COVID protocols, undocumented and untested,” dagdag niya.

Giit ng alkalde, nag-ingat nang husto ang buong mamamayan ng Ormoc City upang maging COVID-19-free sa loob ng nakalipas na 70 araw dahil sa mga ipinatupad nilang mahigpit na border controls at estriktong implementasyon ng health protocols kaya’t labis niyang ikinagulat na walang koordinasyon sa kanilang lungsod ang national government at bigla silang inutusan na tanggapin ang mga papasok sa kanilang siyudad.

“We have kept our city COVID-free for more than 70 days bec of strict border controls and implementation of health protocols. Then here comes a TEXT from the National government agencies telling us that there are repatriates coming in our city and telling us to accept them?!” anang alkalde.

Dahil aniya sa hindi pagsunod sa tamang protocol ng national government ay maaaring mabalewala ang pagsusumikap ng mga taga-Ormoc City kapag nalusutan ng kahit isang COVID-19 positive ay posibleng makahawa na sa maraming tao.

“What happened to all the protocols that we’ve been working on? What happened to their protocols that they have been telling us to do if they themselves are not doing the right thing?!”

“It only takes one infected person to get to our city to infect a hundred innocent people bec of carelessness from the national government agencies. Where is the National Task Force Covid Shield and the IATF in all of these?!!!” emosyonal na tanong ni Goma.

Sa panayam sa DZBB, ikinuwento ni Goma, sa unang salvo ng Balik-Probinsya program noong nakaraang linggo ay biglang may dumating na anim na taga-Ormoc City na walang paunang abiso ang national government nang kahit tatlong araw man lamang.

May 110 kilometro aniya ang layo ng Tacloban City sa Ormoc City, walang public transportation kaya kailangan sunduin sila ng sasakyan ng lokal na pamahalaan para maihatid sa quarantine facility kung saan sila mananatili sa loob ng 14 araw bago pauwiin sa kanilang bahay matapos ang serye ng pagsusuring medikal.

Inabot aniya ng dalawang araw ang proseso nang pagberipika at pagsusuri sa anim na katao bago dinala sa quarantine facility ng Ormoc City na kompleto, may mga doktor, pagkain at may internet pa.

“Huwag n’yo kaming pahulain, bigyan n’yo kami ng tamang information para makatulong kami nang maayos. We are doing our best to help the national government,” aniya.

Matatandaan na pinuri ang matagumpay na kampanya ng Ormoc City laban sa COVID-19 dahil dalawang araw matapos ideklara ng WHO bilang global pandemic ay isinara ni Goma ang lahat ng border ng siyudad na kabisera ng Southern Leyte at may populasyong 215,031.

Lahat ng dumarating sa Ormoc City ay isinailalim sa quarantine at upang hindi lumabas ng bahay ang mga residente ay binigyan sila ng pagkain ng lokal na pamahalaan.  (ROSE NOVENARIO)

Roque nagklaro
OFWs DAPAT
COVID-FREE
PAGBALIK
SA PROBINSIYA

SINABI ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang mga magbabalik sa mga probinsiya na overseas Filipino workers (OFWs) ay may health certificate na magpapatunay na sila’y COVID-free.

“Lahat po ng pinauwi na OFWs have health certificates since they have been subjected to PCR tests,” ani Roque.

Nauna rito, nagbigay ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na pauwiin sa kani-kanilang lalawigan ang 24,000 OFWs na stranded sa Metro Manila.

Kaugnay nito, ilang estudyante sa Maynila na nagpalista online sa Balik-Probinsya  ay sumailalim muna sa libreng COVID-19 rapid test sa pinakamalapit na health center sa kanilang lugar bago binigyan ng clearance ng barangay bilang patunay na sila’y hindi person under investigation o person under monitoring kaugnay sa COVID-19.

Ang Balik-Probinsya, Balik-Pag-asa ay programa ng administrasyong Duterte na may layuning pauwiin sa kanilang mga lalawigan ang mga nasa Metro Manila na may kakibat na kabuhayan at upang lumuwag ang National Capital Region (NCR). (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *