Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bill pabor sa corporate income tax ipasa — Imee

HINIMOK ni Senadora Imee Marcos ang Kamara at Senado na ipasa ang bukod na panukalang batas na magpapababa sa corporate income tax nang hanggang 5% para makatulong sa mga negosyo, maiwasan ang tanggalan ng mga empleyado, at makahikayat ng mas maraming foreign investment sa kabila ng pandemyang COVID-19.

 

Sinabi ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, mahalagang maipasa ang hiwalay na panukalang batas mula sa isinusulong na Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE) bago mag-recess ang sesyon sa 5 Hunyo.

 

“Nagpoprotesta na ang mga export company bunsod ng pag-aalis ng mga insentibo sa kanilang mga negosyo na matagal na nilang napapakinabangan pero itinuturing ng Department of Finance at National Economic Development Authority na lugi sa gobyerno,” paliwanag ni Marcos.

“Saka na natin problemahin ‘yung kanilang mga insentibo sa ibang panukalang batas. Handa kaming mag-overtime para mabilis na maipasa ang CREATE, pero bukod sa pagbabawas sa corporate income tax at pagpapalawig ng tinatawag na sunset provisions para sa mga insentibo sa negosyo, nasaan na ‘yung panukalang batas?” tanong ni Marcos.

 

Ayon kay Marcos, sakaling maipasa ang mas mababang corporate income tax, higit na makahihikayat ng mga dayuhang mamumuhunan sa Filipinas, tulad ng Vietnam, Thailand, at Indonesia na prayoridad nila dahil sa mababang tax rates.

 

Ani Marcos, “nawawala ang oportunidad ng investment sa gitna ng pandemya, tulad ng galing sa Western countries na inaalis na sa China ang kanilang mga negosyo para mas masiguro ang suplay ng iba’t ibang produkto at naghahanap na rin ng mas murang mga supplier upang mapanatili ang mababang presyo sa kabila ng economic recession sa buong mundo.”

 

“Dapat samantalahin nating makakuha ng investment mula sa mga inalis na negosyo sa China, pati ‘yung sinasabing outsourcing o paglilipat ng kanilang mga produksiyon patungo sa mga bansang may mahinang ekonomiya,” pahayag ni Marcos.

 

“Kailangan din natin maagapan ang pag-alis ng iilan na nga lang nating foreign investors sa Filipinas,” dagdag ni Marcos.

 

“Aabot ang lugi ng Filipinas sa US$20 milyon o mahigit P1 bilyon sa export volumes sa nakalipas na dalawang buwan bunsod ng paglipat ng foreign companies sa ating mga kalapit-bansa na may mas mababang buwis na ipinapataw.

 

Asahan umano na mas marami pang multinational corporations ang aalis at hindi na palalawakin pa ang negosyo sa Filipinas, at baka ilipat pa sa ibang mga bansa.

 

“Lalo kung hindi tayo makikipagsabayan sa lahat ng bansang gumagawa ng paraan upang mapanatiling buhay ang kanilang ekonomiya,” paliwanag ni Marcos.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …