Monday , December 23 2024
dead

Bahay sa ilog, bumigay… Dalagita patay, 2 bata, senior citizen nadaganan

ISANG dalagita ang namatay, habang sugatan ang dalawang bata at isang senior citizen nang gumuho ang kanilang bahay sa tabing ilog sa Barangay Obrero Quezon City, nitong Lunes ng hapon.

 

Pawang isinugod sa kalapit na ospital ang mga biktimang hindi pa pinapangalanan, pawang natabunan ng kanilang bumigay na bahay sa ilog, ngunit isa sa kanila ang namatay.

 

Sa ‘sketchy report’ ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 2:00 pm, nitong 25 Mayo nang maganap ang insidente sa tabing ilog sa Rolling Road, Barangay Obrero nmg nasabing lungsod.

 

Sinabi ni Jopet Abando, Deputy Ex-o ng Barangay Obrero, kapitbahay ng biktima,  bago ang insidente ay nakarinig siya ng tila sumabog na transformer at nang  alamin ay nakita ang gumuhong bahay at bumagsak sa ilog.

 

Nabatid na nasa loob ng gumuhong bahay ang tatlong apo at kanilang lola.

 

“Sa tingin ko po mahina na ang pundasyon. Nabali po ‘yung pinaka-biga saka ‘yung poste. Sementado po ‘yung poste niya pero ang mga sahig ay  kahoy,” ayon sa kapitbahay ng biktima.

 

Agad nagpalabas ng statement ang lokal na pamahalaan ng Quezon City, at sinabing  kabilang ang pamilya sa mga dapat ire-relocate sa ilalim ng programa ng National Housing Authority, pero natigil ang koordinasyon dahil sa pandemyang COVID-19. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *