Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam at Catriona, kasal na ang isusunod na ia-announce

NANGGULAT si Sam Milby sa kanyang kaarawan nitong Mayo 23 dahil pagkatapos siyang batiin ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ng, ‘Hey, Sam! Happy, happy birthday. I hope that you have an amazing year ahead. More birthdays. More happiness. You are loved by so, so many!’ na ginanap na Facebook Live ng Cornerstone Entertainment CSTV Presents: Lunch With The Stars noong Biyernes ng tanghali, Mayo 22, ipinost niya kinabukasan ang larawan nila ng beauty queen na magkayakap na ang caption, “Worth every second of the wait. Most special birthday yet.”

Kung iaanalisa ang caption ni Sam sa larawan nila ni Catriona, matagal na silang magkarelasyon at hinintay lang ang tamang pagkakataon para aminin sa publiko.

Kung hindi kami nagkakamali ay 2019 nang malaman naming seryosong nagde-date na sina Sam at Catriona pero hindi palang ito maamin ng dalawa sa hindi malamang dahilan.

Kaya nga nang mapanood namin ang ginawang birthday special ng CSTV para kay Samuel at binati siya ni Catriona na kahit generic ang dating ng mensahe ay naisip namin na baka may pasabog sa huli.

Mababait ang guests ni Sam sa CSTV na sina Pooh, Yam Concepcion, Moira dela Torre, at John Prats dahil hindi nila ibinuking ang aktor kundi sabi lang nila ay alam na nila ang wish ng isa’t isa dahil open naman ang singer/actor sa kanyang Cornerstone family.

Noong Setyembe 2019 sa presscon ng Hueniverse na ginanap sa Novotel ay natanong na si Sam tungkol kay Catriona pero hindi niya inamin at panay ang iwas pero hindi naman niya itinanggi na lumalabas sila kasama ang mga kaibigan.

May maga nakakita na madalas magkasama sina Sam at Catriona kapag pumupunta sa farm ng manager nilang si Erickson Raymundo sa Rizal kaya sa mga tagaroon, hindi na sila nagulat sa pag-amin ng aktor na girlfriend na niya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa noong 2018.

Anyway, habang isinusulat namin ang balitang ito ay umabot na sa 507k likes at 118 comments na bumabati kina Sam at Cat mula sa mga kaibigan nila sa showbiz at sa netizens.

Nag-trending din sa Twitter ang larawan nina Sam at Catriona noong ipost niya Sabado ng gabi. Edad 36 na si Samuel at 26 naman si Catriona at iisa ang hiling ng karamihan, “sana pakasal na sila para may little Milbys na.”

Mula sa pahayagang Hataw, maligayang kaarawan Samuel Lloyd.

 

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …