Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ashley Aunor gagawa rin ng pangalan sa music industry tulad ng sister na si Marione (Bumuo ng bandang Cool Cat Ash)

May dating ang single ng banda ni Ashley Aunor na Cool Cat Ash na siya ang lead vocalist at kumanta ng Diyosa ng Kaseksihan. Napanood namin ang nasabing music video na may aliw factor ang caption na, “We stand a confident Queen.” Kinunan sa ilog ang music video with matching mga hunky Papa pa. Maganda rin ang cover version ni Ash ng Laki sa Layaw popularized by OPM icon Mike Hanopol. Aba’y sa husay nitong kumanta ng rock ay puwede siyang maging future young Sampaguita.

Ang Diyosa ng Kaseksihan at Laki sa Layaw ay available sa DNA Music PH at Star Music PH.

Samantala, bukod sa kanyang Mommy si Lala Aunor ay inspirasyon rin ni Ashley ang kanyang sister na si Marione na kilalang ace songwriter at lumikha na ng pangalan sa music industry at nakagawa ng dalawang patok na theme songs ng mga pelikula ng Viva Films tulad ng Akala na isa sa OST ng The Day After Valentines na as of press time ay humamig na ng 10,122, 863 views, at ang Delikado na theme song naman ng blockbuster movie nina Anne Curtis at Marco Gumabao na Just A Stranger. Sure hit din ang isa pang awitin ni Marione sa Viva Records na Paasa.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …