Saturday , November 16 2024

Ulyanin na ba si Lolo Sonny? — Sen. Imee (Kinasahan si Dominguez)

IPINAGTANGGOL ni Senadora Imee Marcos ang programang Masagana 99 nang batikusin ni Finance Secretary Carlos “Sonny” Dominguez III sa virtual Senate hearing kamakalawa, sabay tanong kung nag-uulyanin ang isa sa Finance managers ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Marcos, naging self-sufficient ang Filipinas sa rice production patunay ang export na umaabot sa 89,000 metriko toneladang bigas noong 1977 hanggang 1978 sa ilalim ng programang Masagana 99.

“Wawa naman si Lolo Sonny, nag-uulyanin na yata?

Ang linaw ng data, kaya nga nagtataka ako bakit ayaw tanggapin ni Sonny ang katotohanang nakapag-export tayo ng bigas dahil na rin sa Masagana 99 at ‘yan ay dahil sa sipag na rin ng mga magsasaka natin,” paliwanag ni Marcos.

Sinabi ni Sen. Imee, ang paninising ginagawa ni Dominguez sa mga magsasaka nang ipatupad ang Masagana 99 program ay nakababahala lalo ngayong nalalalapit ang panahon ng pagtatanim sa mga bukirin.

“Ano bang tulong sa next planting season ang magagawa ni Sonny sa mga magsasaka? Ang mahirap kasi, puro paninisi ang ginagawa niya sa mga magsasaka na hindi nakababayad ng kanilang mga utang. May COVID-19 na nga, ganito pa ang maririnig mo kay Sonny,” desmayadong pahayag ni Marcos.

“Sana mahiya naman siya. Hindi ko alam kung meron amnesia o nagsisinungaling si Sonny,” sabi ni Marcos.

Nanawagan din si Marcos kay Dominguez na maging parehas at alisin na ang galit nito, at kilalanin ang mga naging ambag ng Masagana 99 lalo ang mga magsasakang nagsumikap para umunlad ang kanilang buhay.

Ani Marcos, si Dominguez ay dating Secretary ng Department of Agriculture (DA) noong panahon ni Pangulong Corazon Aquino at maituturinmg na tunay na ‘dilawan’ na nakapasok sa administrasyon ni Pangulong Duterte.

Sa kasalukuyang pamahalaan ni Duterte, muling binuhay ang programang Masagana 99 noong 2017 at binigyan ito ng bagong pangalan ng DA na Masaganang Ani 200.

“Suportahan kaya ni Sonny ang Masaganang Ani 200?  Naku, magpakatotoo na lang sana siya dahil nakabase naman ito sa Masagana 99,” sabi ni Marcos.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *