Saturday , November 16 2024
PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagbubukas ng Tondo High Quarantine Facility, na mayroong 160-bed capacity na ipinagkaloob ng Samaritan’s Purse para sa mga COVID-19 patients sa lungsod ng Maynila. (BONG SON)

Tondo High quarantine facility binuksan ni isko

ISA pang quarantine facility ang binuksan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kahapon sa publiko na mayroong 160-bed capacity mula sa target nitong 400 para magamit sa COVID-related cases sa Maynila.

 

Sinabi ni Mayor Isko, ang pagtatayo ng mga karagdagang quarantine facilities gaya ng Tondo High ay magpapatuloy at kasabay sa posibleng pagtaas ng bilang ng  kaso ng COVID-19 dahil sa unti-unting pagluluwag sa mga regulasyon sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

 

Ang pagtatayo ng mga pasilidad ay upang maging handa sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 lalo ngayong  muling dumarami ang mga tao sa labas ng kanilang tahanan dahil sa GCQ.

 

Nakahanda ang nabanggit na quarantine facility na tumanggap ng mga nagpositibo sa patuloy na rapid testing na isinasagawa sa lungsod.

 

Umabot sa 35,065 ang sumailalim sa rapid test at ang lahat na magpopositibo sa COVID-19 ay dadalhin sa mga ipinatayong quarantine facilities ng lungsod

 

Kaugnay nito, ang dalawa sa walong mobile analog

X-ray machines na inorder ng lungsod upang hindi na lumbas ng pasyente para pumunta sa X-ray room, ay dumating na.

 

Ang isang yunit ay dinala sa Ospital ng Sampaloc, na may mataas na bilang ng kaso ng COVID-19, at sa  Sta. Ana Hospital na kinaroroonan ng Manila Infectious Disease Control Center (MIDCC) at ginagamot ang mga pasyenteng may COVID-19.

Kasalukuyang pinamamadali ni Mayor Isko ang konstruksiyon ng sariling PCR (polymerase chain reaction) testing laboratory ng lungsod.

 

“This is our long-term approach against COVID. Dahil milyon tayo, naisipan naming magtayo ng sariling PCR test lab pero bago tayo mag-construct ng pasilidad, nagkonsulta tayo sa DOH kaya maraming salamat sa DOH family,” ayon sa alkalde.

 

Aniya, ang halaga ng swab testing ay nasa pagitan ng  P5,000- P8,000 bawat isa para sa kompletong proseso hanggang mailabas ang pinakahuling resulta. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *