Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Filmmaker and record producer Direk Reyno Oposa maglulunsad ng music video ukol sa COVID-19 pandemic ngayong 29 Mayo 2020

Likas na mabait sa mga newcomer sa showbiz, kaya patuloy na bine-bless ng Itaas ang kaibigan naming filmmaker and record producer na si Direk Reyno Oposa.

Katunayan ang kanyang hit project na Inspirado na kinanta ni Ibayo Rap Smith kasama ang kilalang social media influencer-dancer na si Leng Altura. Ngayon ay halos 150K views na ang music video sa official YouTube Channel ni Direk Reyno.

At bago pa i-release ang follow-up ng Inspirado na Kung Bagay, nina Whamos, Maui, Ibayo Rap Smith and ft by DK One ay nagdesisyon na muna si Direk Reyno na unahing ilabas ang napapanahon niyang proyekto na Quaran-Timer of Ibayo and ft by Kiel and featuring Andrea, Whamos, and Maui.

At kaabang-abang ang music video nito na nakatakdang i-launch sa YouTube channel ni Direk Reyno on May 29, 2020 under his owned Ros Film Production.

Sa posted picture ng nasabing filmmaker (Oposa) ay makikita na nagtatawagan sa isa’t isa ang mga artist ng Quaran-Timer, tumutupad kasi sila sa physical o social distancing.

Puwede namang mag-usap sa telepono para magkumustahan o kaya sa ZOOM para makapagkuwentohan sa social media.

Vibes namin, dahil napapanahon nga ang Quaran-Timer bunsod ng ilang buwan na tayong naka-quarantine dahil sa COVID-19 pandemic, ay magiging another potential hit ito.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …