Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Guy simple lang ang selebrasyon ng kaarawan (Dahil sa social distancing)

KAHAPON ang eksaktong kaarawan ng ating nag-iisang superstar na si Nora Aunor. At dahil nasa moderate enhanced community quarantine (MECQ) pa rin ang NCR ay naging simple lang ang selebrasyon ng birthday ni Ate Guy.

Sinorpresa siya ni John Rendez ng special birthday cake. At sila ni John kasama ng kanilang mga kasambahay ang nagsalo-salo sa handa ng superstar.

Kita sa uploaded video ni John sa kanyang social media account (John Porter) ang simpleng pambahay na ayos ni Ate Guy, siguro ang feeling niya ay wala naman siyang handa kaya nagpahinga na lang siya.

E, puwede bang kalimutan ni John at ng mga nagmamahal sa kanya ang espesyal na araw.

Bumaha rin ng kaliwa’t kanang pagbati ng hapy birthday kay Ate Guy sa social media mula sa fans and supporters sa buong bansa.

Yes, active na active pa rin ang Noranians ni Ate Guy na patuloy na nagmamahal sa kanya tulad ni Felix Diaz at Rodel Ocampo, na aming kasamahan naman sa Entertainment media.

From all of us here in HATAW, ang aming masayang pagbati sa The Grand Dame of Philippine Cinema na si Ms. Nora Aunor.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …