Saturday , November 16 2024

Padrino ni Sinas lumutang (Bata ko ‘yan — Duterte)

TINAPOS ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi ang dalawang linggong palaisipan sa publiko kung bakit hindi nasibak si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. General Debold Sinas na nagdaos ng Voltes V-themed birthday party kamakailan.

Inamin ni Pangulong Duterte na siya ang padrino ni Sinas at nagpasya na hindi sibakin ang heneral kahit may paglabag sa quarantine protocols ang idinaos na Voltes V-themed birthday party gaya ng mass gatherings at social distancing.

“Ako ‘yung ayaw na malipat siya. He is a good officer, he’s an honest one. Hindi niya kasalanan kung may mangharana sa kanya sa birthday niya,” ayon kay Pangulong Duterte sa public address kamakalawa ng gabi.

Umani ng batikos si Sinas matapos maging viral sa social media ang mga larawan kuha sa kanyang Voltes V- themed birthday bash sa NCRPO headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City noong 8 Mayo.

“Siyempre may mga meryenda ‘yan may pagkain, alangan naman kainin nila ‘yung mask,” ang tila papilosopong depensa ni Duterte kay Sinas.

“Sabihin mo the law is the law well… akin na ‘yun. He stays there. Kailangan ko ‘yung tao. Mas kailangan ko ‘yung tao dito sa trabaho niya,” giit ni Duterte.

Naniwala ang Pangulo na akma si Sinas sa kanyang puwesto at hindi niya sisibakin ang heneral dahil kinantahan lang umano ng “happy birthday.”

“It is his time to be there. I do not believe in just firing him just because kinantahan siya ng happy birthday.”

Biglang natameme si Presidential Spokesman Harry Roque sa paglutang ni Pangulong Duterte bilang padrino ni Sinas.

Nauna nang sinabi ni Roque na nagalit ang Pangulo sa ginawa ni Sinas kaya hinayaan na masampahan ng kasong akriminal at administratibo kaugnay sa idinaos na piging.

“The President has already spoken on the status of National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PMGen. Debold Sinas. As the President’s spokesperson, I only articulate what PRRD’s thoughts on the matter. I cannot add or subtract from what the President has said,” ani Roque. (ROSE NOVENARIO)

IATF, PNP NAWALAN
NG KREDEBILIDAD

NANINIWALA si Senate Minority leader Franklin Drilon na nagpababa umano ng kredibilidad nag Inter-Agency Task Force (IATF) at ng Philippine National Police (PNP) ang pagkampi at hindi pagdisiplina ni Pangulong Rodrigo Duterte kay NCRPO chief P/MGen. Debold Sinas.

Ayon kay Drilon, nakikita ng publiko na hindi maipatupad ng IATF ang mga quarantine rules nito sa mga pulis na inatasang tagapagpatupad .

Binigyang diin ni Drilon, hindi sinusunod  ng grupo ni Sinas at ng mga pulis ang mga patakaran ng IATF.

Kaya kung ganito umano ang kanilang ginagawa, mahihirapan din ang IATF at PNP na ipatupad ang quarantine rules sa mga ordinaryong tao.

Si Sinas ay naging kontrobersiyal dahil sa pangharana sa kanya ng mga pulis at papiging noong kanyang kaarawan, 8 Mayo, sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi niya sisibakin si Sinas dahil siya ay “honest” at “good officer.”

Dahil dito, ayon kay Drilon, kaya nawawala ang tiwala ng mga tao sa abilidad ng gobyerno na ipatupad ang kautusan ng IATF at PNP sa ilalim ng kuwarentena. (NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *