GUSTO nang magpaka-Angel Locsin bilang Darna ni Mother Lily Monteverde!
Mahigit na rin kasing ilang buwang nakakulong sa bahay si Mother dahil sa quarantine. Eh, senior r citizen na rin siya kaya bawal siyang lumabas.
Text ni Mother sa amin, “Sana gusto ko na hiramin iyong pakpak ni Darna kay Angel Locsin. Tulungan mo ako hiramin ang pakpak!”
Eh dahil tuliro na rin, nakalimutan marahil ni Mother na walang pakpak si Darna kahit nakalilipad.
Dahil bawal lumabas, nilulutuan na lang si Madera ni Roselle (Moteverde) sa bahay. Bawal na rin siyang pumunta sa Valencia para asikasuhin ang mga tanim niya roon.
Ang isa sa hiling niya ngayong lockdown ay ipagdasal ang isa sa apo niyang stranded sa New York City dahil walang flight pabalik ng Maynila.
I-FLEX
ni Jun Nardo