Hindi makapaniwala ang aktres na si Angel Locsin, habang worried naman ang broadcaster na si Atom Araullo, sa napaulat na walang “mass testing” program ang gobyerno laban sa coronavirus pandemic.
Ito ay nanggaling kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Sa tanong kay Roque ng isang Malacañang reporter kung may policy ba ang Department of Health (DOH) na sumailalim ang mga empleado sa COVID-19 testing bago pumasok muli sa opisina katulad ng mass testing na ginagawa ng Wuhan na may 11 million tao ang nag-undergo ng COVID-19 testing, sinabi ni Roque na iniiwan na raw ito sa pribadong sektor.
Simply stated, sinabi ni Roque na ang employers na ang dapat sumagot sa COVID-19 testing ng kanilang mga manggagawa.
That evening, ini-announce ni Angel sa kanyang Instagram na kanyang ilulunsad ang “Shop & Share” campaign para mapondohan ang isang mass testing.
Sa proyektong ito, magdo-donate ng mga personal na gamit ang mga celebrities, tapos isasalang sa online auction.
Ang mapagbebentahan ay ibibili ng COVID-19 test kits “for the poorer sectors.”
Tanong naman ni Atom Araullo, ano raw ang mga susunod na gagawin para maiwasang magkahawaan?
Specially now that there is this transition for the new normal.
Tweet ni Atom: “The lockdown was hard for everyone, especially the poor, but we accepted it as necessary because we simply did not have the capacity to test, trace, and isolate on a wide scale.
“Now that we’re slowly easing restrictions, it’s only fair to ask: where are we at now?”
Sa interview ng CNN Philippines kay Presidential Spokesperson Roque last Tuesday, May 19, nagbigay ito ng paglilinaw.
Mas tama raw gamitin ang salitang “targeted testing.”
Imposible raw kasing isailalim sa testing ang lahat ng 110 milyong Filipino.
Sang-ayon kay Roque, prayoridad na masuri ang mga frontliners, mga nagsiuwing overseas Filipino workers, at mga nasa vulnerable groups.
As of May 19, nasa 12,942 na ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.
Nasa 2,843 ang napagaling, habang 837 ang namatay.
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.