Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, na-refresh sa tubig na galing sa orocan (Sayang-saya sa buhay-probinsiya)

NAKAGANDA kay Kris Aquino na inabutan sila ng lockdown dahil sa Covid-19 pandemic sa Puerto Galera dahil marami siyang natutuhan kung paano mamuhay ng simple lang.

Sa pakikipagkuwentuhan ni Kris sa isang kaibigan ay naikuwento niya ang ilang bagay na sobra niyang na-appreciate na hindi niya alam noong nakatira siya sa malaki niyang bahay sa siyudad.

Dati-rati’y hindi kumakain ng gulay si Kris o pili lang, pero sa halos tatlong buwan niyang pananatili sa probinsiya ay heto at nakain na niya ang ilang mga gulay.

Ang ilang pagkain na natutuhang lutuin ni Kris ay, “ang sarap pala ng liempo na pinakuluan sa Royal (soda) with garlic, paminta and sea salt tapos inihaw.

“Ang saba, masarap pag papuntang over ripe na, tapos du’n gagawing banana Q, pero ako, konti lang ‘yung sugar.

Marami akong na-appreciate sa buhay probinsya, like ang sarap ng pandesal na binibili sa umaga, malambot at fluffy.  Sarap na sarap ako sa Lily’s Crunchy Peanut Butter.”

Nasanay din si Kris maligo sa mamahalin niyang bathtub ng maligamgam na tubig at tiyak na may mga inilalagay pang pampabango, pero sa buhay probinsiya ay kakaibang experience.

“Super refreshing maligo (3x a day), na nag-iipon ng medyo malamig na tubig sa orocan na drum tapos gamit ‘yung pink na tabo na pinabili ko.”

Nakasisiguro kami na hindi lang ito ang mga natutuhan na ini-enjoy ni Kris at sabi nga niya sa kaibigang pinagkuwentuhan, gustong-gusto niyang mamuhay na sa probinsiya dahil simple at masarap ang simoy ng hangin, walang polusyon at sariwa lahat ng food.

Kaya pagkatapos ng ECQ, GCQ o MECQ at puwede ng bumalik ng siyudad si Kris ay sigurado kami na hahanap-hanapin niya ang buhay probinsiya.

 

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …