Saturday , November 16 2024
Covid-19 positive

160 PSG personnel positive sa COVID-19 rapid test — Durante

ISANDAAN at animnapung kagawad ng Presidential Security Group (PSG) ang nagpositibo sa COVID-19 matapos sumalang sa rapid test pero isa lamang sa kanila ang nagpositibo sa polymerase chain reaction o PCR test.

 

Sinabi ni PSG commander Col. Jesus Durante, matagal nang nakarekober sa COVID-19 ang nagpositibo sa polymerase chain reaction o PCR test.

 

Hindi aniya detailed bilang close-in security kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing PSG personnel.

 

Tiniyak ni Durante na ginagawa ng PSG ang lahat ng hakbang upang maseguro ang kaligtasan ng Pangulo.

 

Awtomatiko aniyang sumailalim sa 14-day quarantine ang 160 PSG personnel na nagpositibo sa rapid test.

 

Sinimulan aniya ang pagsuri sa PSG personnel noon pang Marso at sumalang din sa COVID-19 test ang kanilang mga dependent. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *