Saturday , November 16 2024

Covid-19 mass testing tablado sa Palasyo (‘Bayanihan’ naging ‘bahala kayo d’yan’)

IMBES Bayanihan, naging ‘bahala kayo d’yan’ ang naging aktitud ng Palasyo nang ipasa ang responsibilidad sa pribadong sektor para sa pagsasagawa ng mass testing bilang bahagi ng pagkontrol o paglaban sa pandemyang coronavirus disease (COVID-19).

Matapos puwersahang ikulong sa kanilang mga tahanan ang mga mamamayan, isara ang mga kompanya’t pabrika, at eskuwela sa loob ng mahigit dalawang buwan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 lumalabas na walang plano ang Palasyo na magsagawa ng mass testing para sa mga mamamayan.

Inamin kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, walang programa ang pamahalaan para sa mass testing at ipinapasa na nila ang responsibilidad sa pribadong sektor.

“As much as possible, ini-increase natin ang capacity ng testing kaya nga we’re aiming na aabot tayo sa 30,000 (a day), pero in terms sa mass testing na ginagawa ng Wuhan na all 11 million (residents), wala pa pong ganyang programa at iniiwan natin ‘yan sa pribadong sektor,” ayon kay Roque sa virtual press briefing kahapon.

Nagsimula kahapon ang pagbabalik trabaho ng ilang piling industriya matapos isailalim sa modified enhanced community quarantine (MEQC) at modified general quarantine ang maraming lugar sa buong bansa.

Binuweltahan ng Bagong Alyansang Makabayan ang administrasyong Duterte sa  pagtrato sa mga obrero bilang ‘sacrificial lambs’ at walang inilaang suporta sa kanilang pagbabalik-trabaho.

“Mass testing at random sampling sa hanay ng mga manggagawa, kahit asymptomatic. Para matiyak ang hindi pagkalat ng sakit, dapat maging mas agresibo sa testing ng COVID 19. Hindi sacrificial lambs ang manggagawa para sumabak nang walang malaganap na testing,” ani Bayan secretary-general Renato Reyes, Jr.

Dapat aniyang maglaan ng maaasahang transportasyon para sa mga manggagawa, at bigyan ng sapat na ayuda kapag nagkasakit ang mga mangggagawa.

“Nais ng manggagawa na makabalik sa trabaho pero dala nila ang pangamba na hindi pa lubos na contained ang pagkalat ng COVID-19. Sila ay pinapapasok dahil kailangan na raw paandarin ang ekonomiya. Kung gayon, dapat bigyan sila ng lahat nang maaaring tulong at ‘wag hayaan na dumiskarte na lang kung ano ang mabuti para sa kanilang kaligtasan.

“Bayanihan, hindi “bahala kayo d’yan,” sabi ni Reyes. (ROSE NOVENARIO)

Ilang buwan nang
stranded sa dorm
SEAFARERS HUMILING
NG SWAB TEST

NANAWAGAN sa gobyerno ang mahigit 100 seafarers na stranded ngayon sa isang dormitoryo sa Malate, Maynila na maisailalim sa swab test para makauwi na sa kani-kanilang mga pamilya.

Ayon sa isang seafarer na nagbahagi ng kanilang video sa Marino Ph, dalawang buwan na sila sa Mariners Safehouse Seaman’s Dormitory na matatagpuan sa L. Guerero  St., Malate, Maynila.

Aniya, lahat ng ipinag-uutos ng gobyerno ay kanilang sinusunod kaya naman hinihiling nila kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga kinauukulan na maisalang na sila sa swab testing upang makauwi na.

Giit ng seafarers, ang overseas Filipino workers (OFWs) na dumating noong nakaraang linggo dahil stranded ay nauna sa kanilang naisalang sa swab testing.

Karamihan aniya sa grupo nila ay pasampa palang sana ngunit inabutan ng lockdown o enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19 habang ang iba ay dumating noong Marso pa pero hindi na nakauwi sa kanilang probinsiya.

Sa ngayon, sila ang sumasagot sa kanilang gastusin maging ang upa sa tinutuluyang dormitoryo kaya nais nilang makauwi sa probinsiya pero hindi pa sila naisasailalim sa swab test.Dalawang beses na umano silang nagtungo sa tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Maritime Industry Authority (MARINA), at Philippine Coast Guard (PCG) ngunit hanggang ngayon wala pa rin tugon sa kanilang mga panawagan.Sa OWWA, binigyan sila ng libreng pagkain ngunit ang kahilingan nilang maisailalim sa swab test ay walang kasagutan at tila umano pinagpapasa-pasahan sila.

Kaya nakikiusap sila sa gobyerno lalo kay Pangulong Duterte na mabigyan sila ng pansin tulad ng mga dumarating na OFWs na nasa pangangasiwa ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sa panig ng PCG, aabisohan umano nila ang OWWA para sa iskedyul ng RT-PCR swab test nang sa gayon ay dalhin sila sa designated quarantine facilities para sa OFWs sa Palacio de Maynila Mega Swabbing Center.

Maging ang MARINA, ayon sa PCG ay katuwang din sa inisyatiba upang lahat ng seafarers ay ma-test bilang bahagi ng repatriation program sa gitna ng pandemyang COVID-19. (VV)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *