ILANG araw ding nagpahinga sa social media si Kim Chiu dahil hindi maganda ang mga nababasa niya sa sinabi niyang “Sa classroom may batas’ na maski siya mismo ay hindi rin niya naintindihan ang mga pinagsasabi niya.
Inaming na-depress ang aktres at ilang araw niyang itinulog ito at hindi hinawakan ang cellphone.
Hanggang sa naisipan niyang magbasa ng text messages na ipinadala sa kanya ng ABS-CBN bosses at taga-Star Magic ang open letter mula sa isang netizen named Adrian Crisanto na nag-uplift sa kanya.
Sa kanyang Youtube channel na may l .57M subscribers at habang isinusulat namin ang balitang ito ay may 1.3M views na isinalaysay ni Kim ang nangyari sa kanya.
“Yes I am back sa classroom, charot, kiyeme lang! Nagsara muna ako ng puso at isipan ko because of what happened. Siyempre maraming mga taong perfect ay charot, etchos lang.
“I was really down the past few days as in super down, pinakamababa pa sa basement ng parking lot pero siyempre kapag may problema hindi mo dapat tinatambayan ‘to kaya roon tayo sa option na move forward.
“Ang mga problema sa buhay, ‘yan ang magpapatatag sa karakter ng isang tao siyempre sa mundo, ang daming temptations, ang daming taong makakasakit sa ‘yo pero it will teach you how to grow, how to be yourself.
“Wala naman tayong ibang kakapitan kundi sarili lang natin at dahil diyan, itinigil ko ang social media, itinigil ko ang lahat ng makakapasok sa akin siyempre kontrolado mo naman ‘yung emosyon mo, kontrolado mo kung ano ‘yung papasukin mo.
“Okay lang ako, kung sinuman ‘yung nagsalita ng masama sa akin okay lang, gusto ko na lang din magpasalamat dahil sa inyo nag-trending ‘yung pangalan ko, ha, ha, ha. Salamat sa atensyon na ibinigay n’yo sa akin at least napasaya kayo ‘di ba. Sa social media naman nandoon ‘yung happiness and sadness. So pili ka lang kung anong gusto mong path, ‘yung masaya o malungkot.
“Noong time na ‘yun, malungkot ako kasi mabigat talaga hindi ko in-expect na kayang magsalita ng mga tao ng ganoong hurtful words grabe! Paggising ko, ‘yung mga tao pinagtawanan ‘yung sinabi ko at ako rin, honestly natawa rin, sabi ko, ‘shocks hindi ko naintindihan talaga ‘yung sinabi ko’ kaya pala hindi ako ibinoto ng mga kaklase ko kapag ako ang pinagde-debate nila ganoon talaga ako, ha, ha, ha.
“Oh well, past is past, it’s done and now nandito na tayo ngayon sa another chapter and I want to make things negative into positive kasi ang dating taong malungkot ngayon so dahil bawal lumabas na-enjoy naman nila ‘yung words ko, napasaya ko sila (netizens).
“‘Tong taong ‘to, ayaw ko na humawak ng phone, pero noong time na nagbukas ako ng messages hindi social media, ‘yung mga boss ko sa ABS-CBN, ‘yung sa Star Magic, sinend nila ‘yung open letter ng taong ‘to, concerned siya sa akin kahit hindi kami magkakilala. Nilatagan niya ako, parang binuhat niya ako at inilagay niya ako sa kabilang side na ‘wag kang mag self-pity, ‘wag mo i-doubt ang sarili mo. Punta ka rito sa kabila tingnan mo, maraming gold dito.’
“’Sa ginawa mo hindi mo ba alam maraming sumaya,’ ganyan. So this time, pinahanap ko siya at gusto kong magsabi ng thank you (teary eyed) for picking me up from my lowest,” mahabang kuwento ng dalaga.
Ipinakilala ni Kim si Adrian Crisanto na sayang-saya dahil ka-video call niya ang aktres at sa mga pasalamat sa kanya ay sinagot niya ng, “I’m happy that you are encouraged.”
Isa pang pinasalamatan ni Kim si DJ Squammy, ang naglapat ng melody at ginawang kanta ang Sa classroom bawal lumabas’ na naging viral ang videos.
Natatawang kuwento pa ng aktres, “ginawa niya akong composer at napanood ko ‘yung viral videos na ginawa niya na mayroong classical, acoustic (version). Bakit hindi natin siya isali sa usapan natin.”
Paliwanag ni DJ Squammy, pinakinggan niya ang mga pahayag ni Kim at wala naman siyang nakitang hindi maganda at hindi siya pabor sa mga nang-bash sa dalaga. At dahil malinaw naman ang mensahe kaya ginawan niya ng melody na hindi naman niya sukat akalaing magte-trending.
Sabi naman ni Kim noong unang mapanood niya ang video ay nasaktan siya dahil pinaglaruan ang mga sinabi niya, pero sa kabilang banda ay natuwa siya dahil maski mga pamangkin niya ay isinasayaw at ginawang Tiktok ang komposisyon ni DJ Squammy.
“Kahit malungkot ang bansa natin, at least nagawa ko ‘yung part ko na mag-entertain ng tao dahil sa ginawa mong beat (music),” say ng aktres.
Kaya naman abot-abot ang pasalamat ni Kim kay Adrian dahil nandoon sila sa lowest point ng buhay niya at kay DJ Squammy dahil ginawa siyang composer at nag-trending ang kanta niya.
“You brought people together para sumayaw at sumaya sila,” sabi pa ni Kim.
At dahil chorus lang ang ginawa ni DJ Squammy, binuo na niya ito at kinanta ni Kim ang full version with matching music video na ang titulo ay Bawal Lumabas.
Kaya alam na sa next album ni Kim, kasama na ang kantang ito.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan