Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Darna, ipininta sa isang condo building

SAMANTALA, pinuri ni Angel ang pintor na si AG Sano dahil ipininta nito ang mukha ng dalaga sa isang condominium sa Teachers Village, Quezon City ng naka-Darna mask na may suot na face mask (tulad ng disenyo ng birthday cake niya na bigay ng daddy niya at ni Neil).

Ang katawang bahagi ng painting ay naka-PPE suit, may stethoscope, at gloves na simbolo ng ating health workers.

Ipinost ni AG Sano sa kanyang FB page ang mga litrato habang ginagawa nila ang mural painting, “Isang munting Art Attack regalo mula sa aming Art Atak Team upang magbigay pugay sa ating mga Frontliners. Salamat sa mga frontliners all over the world! #FrontLineHeroes.”

Ini-repost naman ni Angel ang mga litrato at ang caption ay, “Hero in disguise. By AG Saño
“The artwork aims to pay tribute to the healthcare workers in the COVID-19 frontlines.
“To our brave frontliners, Kayo po ang real-life superheroes and thanking you for your selfless service isn’t just enough.

“Maraming-maraming salamat sa inyo. Isang malaking karangalang maging inspiration mo sa pagpinta, AG Saño, at salamat sa patuloy na pagbibigay ng inspirasyon through your artwork.

“Nagkita na tayo dati sa La Luna Sangre, I remember because you are remarkable like your craft. Keep it up!”

As of this writing ay umabot sa 95.2k ang likes at 601 na halos iisa ang sabi, ‘ang ganda, cute, ang galing at iba pang pawang positibo.’

 

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …